Tuesday , December 12 2017
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Piolo, mas sinusuwerte ‘pag nagpo-produce
Piolo, mas sinusuwerte ‘pag nagpo-produce

Piolo, mas sinusuwerte ‘pag nagpo-produce

COMING from a huge box office success na nakuha ng Kita Kita, hindi maiwasang ma-disappoint ang isa sa mga producer nitong si Piolo Pascual sa sinapit ng mismong pelikula niyang Last Night.

Sa pagkakataong ito, isa sa dalawang pangunahing bida si Piolo, pansamantalang isinantabi muna ang sakit ng ulo sa pagpoprodyus.

Pero kung pumatok sa takilya ang Kita Kita, kabaligtaran nga ang naging kapalaran ng Last Night. Ayon sa iilang mga nakapanood nito, maganda naman ang pagkakalahad ng kuwento mula sa panulat ni Bela Padilla.

Hindi rin pinabayaan ng Star Cinema ang promo nito. Bankable rin namang matatawag sina Piolo at Toni Gonzaga, pero ano ang dahilan kung bakit sa kabila nito’y sumemplang ito sa takilya?

May telling sign o pahiwatig ang kinalabasan nito.

Baka mas ideal na lang kung patuloy ang pagpoprodyus ni Piolo ng mga pelikula kaysa umarte in movies. Contrast din ito sa kaso ni Bela who should act more often in films kaysa magsulat ng kuwentong pampelikula.

Sa totoo lang, walang formula para masabing sure blockbuster ang isang movie. Wala sa istorya, wala rin sa cast. Kadalasan, a la tsamba na humahakot ng kita sa takilya ang pelikula kahit wala naman itong kawawaan.

Binasag nina Empoy at Alessandra de Rossi ang batas na matagal nang pinaniniwalaan ng mga negosyanteng producer. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ang tambalang “eeeew!!!” ay siya pa palang magpapakilig sa mga manonood na inlavey?  

HOT AW!
ni Ronnie Carrasco III



COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com