Sunday , October 22 2017
Breaking News
You are here: Home / Hataw Extras / Panaginip mo, Interpet ko: Tumalon sa ilog, malabong baha, uod sa palanggana
Panaginip mo, Interpet ko: Tumalon sa ilog, malabong baha, uod sa palanggana

Panaginip mo, Interpet ko: Tumalon sa ilog, malabong baha, uod sa palanggana

Hi po magandang gbi,
Tanong ko lng po kung ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko. Ganito po ksi un, tumalon dw po ako sa ilog at subrang labo po ng baha at pagtalon ko hnd po ako kaagad bumagsak sa tubig at kaya tumalon ako ulit at naanod na po aq at tinulongan ako ng aking kaibigan pra mkarating sa gilid at pagkatapos po non ay umahon na po ako sa tubig at naligo nlng sa gripo at habang akoy naliligo sa malinaw na tubig ay naisip q dw pong maghubad ng damit kaso nagdalawang isip po ako kya hnd q nlng dw po hinubad at ung planggana dw po na sinahuran ko ng tubig at kung saan ako naliligo ay bgla nlng nagkaroon ng maliliit na ood at ang dami nla at hnd ko alm kung san nggagaling ang mga ood na un. At nagising na po ako pagkatapos non. Maraming salamat po at sana mabigyan nyu po ng linaw ang panaginip q.
 Lyn Indangan  
From 09462118590
 
To Lyn,
Kapag sa panaginip ay tumatalon ka, nagpapakita ito ng pangangailangang makipagsapalaran upang makuha ang iyong minimithi. Mapagtatagumpayan mo ang mga balakid sa buhay at makikita ang napipintong magandang resulta sa inaasam mong layunin. Maaaring nagpapahiwatig din ito ng pagtalon dahil sa sobrang kaligayahan o kaya naman, ng kawalan ng pasensiya at pagiging padalos-dalos sa mga ginagawang mahahalagang desisyon. Kung ano ang naramdaman mo sa panaginip na ito ay maaaring magbigay sa iyo ng dagdag na kahulugan.
Ang ukol naman sa ilog, nagpapakita ito na hinahayaan mo ang sariling buhay na magpalutang-lutang lang o kaya naman, sadyang nagpapatangay ka na lang sa agos ng buhay. Panahon na para ikaw mismo ang magkaroon ng kontrol at direktang pagpapasya sa iyong kapalaran at buhay.
Alternatively, ito ay sumasagisag din sa joyful pleasures, peace at prosperity. Kung rumaragasa naman ang nakitang ilog sa panaginip, ito ay may kaugnayan sa turmoil, tumultuous times, at jealousy sa inyong buhay.
Kung sa panaginip ay naliligo sa ilog, ito ay nagre-represent ng purification at cleansing.
Ang panaginip na ikaw ay naliligo, ito ay may kaugnayan sa cleansing ng iyong outer and inner self. Hinuhugasan o inaalis mo ang mga panahon na mahirap o kaya naman, ito ay simbolo ng pagtatanggal sa old ideas, notions, opinions, at iba pang mga bagay na negatibo.
Ito ay posibleng may kaugnayan sa forgiveness and letting go.
Ang gripo o faucet sa iyong panaginip ay nagsasaad ng kontrol sa iyong emosyon. Ikaw ay conscious kung anong emosyon ang pinababayaan mong ipahayag o ipakita ng iyong sarili. Ito ay nagpapakita ng iyong magaling na self control at kakayahang i-on and off ang iyong damdamin segun sa iyong kagustuhan at pangangailangan.
Kung ang tubig sa gripo ay masyadong mainit o masyadong malamig, ito ay maaaring analogous sa isang sitwasyon o relasyon sa iyong buhay sa estadong ikaw ay gising. Kapag naman sa panaginip ay hindi mo mabuksan ang gripo o walang tubig na lumalabas sa gripo, ito ay nagsasabi na kailangan kang mas maging maingat sa paghahandog ng emotional support dahil baka naman ito ay lumalabis na.
Alternatively, ito ay posibleng nagpapakita rin ng sadness and depression. Kapag nakakita na may tagas o tumutulong gripo sa iyong bungang-tulog, ito ay nagre-represent ng sexual issues and problems.
Alternatively, ito ay nagsa-suggest na ikaw ay nakadarama ng pagiging emotionally drained. May isang bagay o isang tao na nagiging sanhi ng pagkakasadlak mo sa ganitong kalagayan.
Ang bungang-tulog na may kaugnayan sa uod ay nagpapahiwatig hinggil sa weakness at general negativity. Ikaw ay may mababang pananaw sa iyong sarili o ng sinomang may kaugnayan sa iyong buhay. Kung sa iyong panaginip ay gumagapang ang uod sa iyong katawan, ito ay nagpapakita na mayroong mga nakapaligid sa iyo na nagsasamantala sa iyong kabutihan. Señor H.   

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top