Sunday , October 22 2017
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mata at puso ni Coco sa pagdidirehe, nakita ni Direk Malu; fight scene nina Martin at Cuenca sa Ang Panday, 2 araw kinunan
Mata at puso ni Coco sa pagdidirehe, nakita ni Direk Malu; fight scene nina Martin at Cuenca sa Ang Panday,  2 araw kinunan

Mata at puso ni Coco sa pagdidirehe, nakita ni Direk Malu; fight scene nina Martin at Cuenca sa Ang Panday, 2 araw kinunan

NAKASALUBONG namin noong Linggo ng gabi si Direk Malu Sevilla ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ELJ hall at nakakuwentuhan namin siya sandali. And as usual, napag-usapan namin ang tungkol kay Coco Martin.

Isa pala siya sa nagkumbinse sa actor na magdirehe.

Aniya, ”Matagal ko nang sinasabi sa kanya na magdirehe na siya. Sabi ko nga sa kanya kasi may mata at puso siya sa pagdidirehe.

“Sabi ko sa kanya, ‘matagal na kitang pinu-push na magdirehe ka na, hindi ko naman sinabi na ‘Ang Panday’ (ang gawin) at ikaw pa ang bida at ikaw pa ang prodyuser,” natatawang paglalahad ng magaling na director.

“Ang sagot sa akin, ‘ewan ko ba Dy (daddy ang tawag ni Coco kay direk Malu)’ sabi niya, sabay kakamot-kamot ng ulo.”

Sabi namin siguro ay napasabak na ang actor. ”I guess, he wanted to make something like that na before eh, dumating ang opportunity, ayun,”kuwento pa ni Direk Malu.

And speaking of Ang Panday na siyang entry ni Martin sa Metro Manila Film Festival 2017 na handog ng CCM Productions, napag-alaman naming anim na araw na lang ang shooting days na natitira sa unang directorial job ng actor.

Ani Eric John Salut, Dreamscape Entertainment Publicity head, na hanggang October 19 na lamang ang shooting ng Ang Panday.

Naikuwento rin nitong inabot ng dalawang araw ang fight scene na ginawa nina Martin at Jake Cuenca. Kaya expect natin na isa sa maganda at highlight ng pelikula ang awayang iyon nina Martin at Cuenca.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio



COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top