Sunday , October 22 2017
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Magkapatid, napupulaan sa kawalan ng malasakit sa may edad nang aktres
Magkapatid, napupulaan sa kawalan ng malasakit sa may edad nang aktres

Magkapatid, napupulaan sa kawalan ng malasakit sa may edad nang aktres

NAPUPULAAN ang magkapatid na ito sa showbiz dahil sa kakulangan ng malasakit para sa kanilang may-edad ng inang patuloy pa ring nagtatrabaho.

“Sa true lang, naaawa kami kay (name ng madir ng magsyupatembang), imagine, ang wrangler-wrangler (read: matanda) na niya, eh, nagwo-work pa siya? Maano ba namang patigilin na siya ng mga dyunakis niya at mag-retire na lang?” himutok ng aming source.

Sa ngayon ay mag-isang nakatira lang ang mudra sa kanyang pagkalaki-laking balaysung, “Ang gusto niya, eh, lumipat na lang sa condo unit, tutal, wala naman siyang kasama sa baler.”

“Eh, kung ako naman doon sa dalawang magsyupatid, kukupkupin ko na lang ang mudrabels ko. Sa edad niyang ‘yon, dapat nagpapasarap na lang siya sa buhay. Eh, ilang taon na lang siyang mamamalagi sa mundo, ‘di ba?”

Da who ang showbiz mudra at dalawang dyunakis niya na magkaiba ang fudra?? Itago na lang natin sila sa alyas na Isabelita Corazon, Nikki Blancaflor, at Ramil Kristoff.

(Ronnie Carrasco III)




COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top