Sunday , October 22 2017
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Lipatan ng partido, barometro ba para sa 2019 & 2022 elections?!
Lipatan ng partido, barometro ba para sa 2019 & 2022 elections?!

Lipatan ng partido, barometro ba para sa 2019 & 2022 elections?!

Ngayong isang taon mahigit na lang at nalalapit na ang mid-term election sa 2019, mayroong ilang politiko ang nagpapakita ng ilang indikasyon kung ano ang target nila sa 2019 bilang paghahanda sa 2022 national elections.

Isa sa mga maagang ‘lumundag’ at nagparamdam ng kanyang plano ay si Quezon City mayor, Herbert “Bistek” Bautista. Mula sa Liberal Party (LP) ay muling bumalik sa Nationalist People’s Coalition (NPC) si Bistek. Ang NPC ay koalisyon ng iba’t ibang partido politikal na pinamumunuan ni Eduardo “Danding” Cojuangco.

Ang sabi, preparasyon umano ito ni Bistek para sa congressional election. Nababansagan ngayon si Bistek na ‘first honor’ o ‘valedictorian’ sa paglipat-lipat, pagpapalit-palit o paglundag-lundag ng partido depende kung paano magiging komportable ang kanyang political career.

Kumbaga sa Olympic games ay gold medalist na nga raw si Kapten Barbel Bistek!? At ramdam ni Bistek na epektibo ang kanyang taktika dahil 22 taon na siyang opisyal sa Quezon City sa iba’t ibang kapasidad.

‘Yang pagiging congressman na lang ang hindi niya nasusubukan. Nasa huling termino na bilang alkalde si Bistek. Dati na siyang nasa NPC noong 1992 hanggang 1994 bilang konsehal. Taong 1995, lumundag siya sa Laban ng Demokratikong Pilipino at nanalong vice mayor. Noong 1998, tumakbo siyang alkalde pero natalo kay Ismael Mathay Jr. Noong 2010, landslide ang kanyang pagbabalik nang tumakbong mayor sa ilalim ng LP, ang partido ni dating Speaker Feliciano Belmonte Jr., na naging mayor din ng Quezon City.

Ang anak ni Belmonte na si vice mayor Joy ay nagwagi sa ilalim ng LP pero kamakailan ay nanumpa na sa Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

At ang tawag diyan ay, ‘politika’ ng mga segurista. Abangan natin mga suki, kung muli pang papalarin si Bistek.

Langoy pa more Mayor Bistek!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap





COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top