Tuesday , December 12 2017
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Gone are the days of meticulous people in the gov’t service
Gone are the days of meticulous people  in the gov’t service

Gone are the days of meticulous people in the gov’t service

TAO lang po.

Ito ang madalas na ikinakatuwiran kapag pumapalpak o sumasalto kahit sa simpleng trabaho.

O kaya naman sasabihin, puwede namang magkamali basta importante marunong humingi ng sorry.

Madalas mangyari ito sa mga ahensiya ng gobyerno na dapat sana ay metikuloso sa editing and proofreading.

Kapag sumasalto, nag-i-erratum.

E paano kung sa diplomatic community nangyayari ang mga ganitong klase ng salto, lalo na kung insignia ang tinutukoy?

At ang insignia na tinutukoy natin, logo ng Taiwan’s (Republic of China) Ministry of Defense imbes insignia ng People’s Republic of China (Mainland China).

Wow mali?!

Malaki po ang pagkakaiba ng Republic of China at People’s Republic of China. ‘Yung una ay sa Taiwan, dating lalawigan ng Formosa na pinagtayuan ni Chiang Kai Sek ng kanyang gobyernong Kuomintang bilang pagtutol sa ideolohiyang komunista.

Habang ang People’s Republic of China (PROC) ay republikang itinatag ng Chinese Communist Party na pinamumunuan ni Mao Zedong (o Mao Tse Tung) na dumaan muna sa mahabang panahon ng pakikibaka mula sa cultural revolution at pagwasak sa sistemang piyudal na itinatag at nais panatilihin ng iba’t ibang mapang-aliping dinastiya hanggang sa pakikidigma sa mga dayuhang puwersa na nais sumakop sa kanilang bansa.

Kumbaga, ang insignia ng People’s Republic of China ay hindi lamang iginuhit ng tinta sa papel. Ang insignia ng PROC ay nilikha at iminarka ng mahabang kasaysayan ng kanilang pakikibaka para lumaya sa lahat ng uri ng supresyon at opresyon laban sa kanilang lahi.

Kaya kung magiging mahigpit sa diplomatic relations ang PROC, isang malaking insulto sa kanila na matapos nilang mag-donate ng 3,000 assault rifle sa bansa, ang makikita nilang pinasasalamatan ng Department of Defense ng Filipinas ay Taiwan at hindi ang China.

Sa ulat ng Rappler, sinabi nilang, “It was worse than the ‘pineapple blooper’ of the Philippine News Agency (PNA) over the logo of the Department of Labor and Employment (DOLE).”

E talagang mas grabe ‘yan. (Hindi ba’t maging ang insignia ng Pangulo ay bumaliktad na?)

Diplomatic relations ang nalagay sa alanganin dito at suporta ng China (PROC) ang nakasalang. Nag-sorry na raw si Defense Secretary Delfin Lorenzana kay Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua.

Sa susunod sana, kung sino man ang nakatalaga sa mga bagay na ‘yan, sana’y maging metikuluso at mapanuri sila. Kung ginawa nila ang isang trabaho at pinaglaanan ng oras, bakit hindi pa nila trabahuin nang maayos?!

Maliit na bagay siguro ang turing nila sa ganoong pagkakamali pero malaking bagay ‘yan sa relasyong diplomatiko ng Filipinas at China, lalo’t pumapasok tayo sa mainit na pakikipagrelasyon sa nasabing bansa matapos ang ilang taon ng tensiyon dahil sa isyu ng West Philippine Sea o South China Sea. Anyway, sana’y ‘masolusyonan’ ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan ang tila sunod-sunod na salto sa mga simpleng usapin ng insignia o logo.

Sabi nga, it’s so elementary.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap





COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D’yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Scroll To Top

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com