Tuesday , December 12 2017
Breaking News
You are here: Home / Hataw Extras / Feng Shui: Bahay maaaring makatulong sa pananalapi

Feng Shui: Bahay maaaring makatulong sa pananalapi

MAAARING makatulong ang bahay sa punto ng pagtatakda ng senaryo upang mapabuti mo ang iyong pananalapi. Gayonman, upang ito’y umubra, dapat mong hubugin ang iyong sarili na maging higit na financially aware person.

MAKATUTULONG ang bahay sa punto ng pagtatakda ng senaryo upang mapabuti mo ang iyong pananalapi. Gayonman, upang ito’y umubra, dapat mong hubugin ang i-yong sarili na maging hi-git na financially aware person, hindi naman maaaring bigla na lamang magdadala ang feng shui sa iyo ng pera mula sa kung saan.

Mag-isip ng mga paraang maaari mong mapalago ang iyong yaman. Kailangan mo bang kumita pa nang malaki, magtipid nang husto o bawasan ang paggastos? Kung nais mo pang matututo, ikonsidera kung paano ito magaganap. Kung ikaw ay nasa regular employment, kailangan mo ba ng new venture, ng promosyon o humingi ng umento?

Sa iyong palagay, ano ang dapat mong gawin upang mapalago ang i-yong long-term wealth? Mayroon ka bang inilala-tag na mga oportunidad na maaaring magdulot sa iyo nang malaking one-off payment? O ito ba’y slow build-up o kuwestiyon kung paano mo mamamantine kung ano ang mayroon ka?

Kapag mayroon ka nang malinaw na ideya kung paano mo pa mapalalago ang iyong yaman, maghanap ng mga paraan kung paano mo mapapalawak ang iyong mga oportunidad. Kung nasubukan mo na at hindi ka nagtagumpay, mayroon ka nang sapat na karanasan upang ipagpatuloy pa ito; kung ikaw ay nagsisimula pa lamang, kailangan mong gamitin pa ang iyong imahinasyon.



COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com