Sunday , October 22 2017
Breaking News
You are here: Home / News / Druggies noon, lay ministers na ngayon
Druggies noon, lay ministers na ngayon

Druggies noon, lay ministers na ngayon

APAT dating drug dependents ang tuluyang nagbagong-buhay sa tulong ng Simbahang Katolika.

Kinilala ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang Tokhang surenderees na sina Eduardo Manat, Rolly Umayam, Edgardo Gato at Gilbert Zulueta, na ngayon ay “lay ministers” na sa tulong ng Simbahang Katolika at sumailalim sa anim-buwan rehabilitation program katuwang ang pamahalaang lungsod.

Ang apat na tumalikod sa masamang bisyo ay lay ministers na ng Our Lady of Lourdes Parish sa Camarin, Caloocan makaraan silang tumugon sa tawag ng pagsisilbi sa Simbahan.

Ginagampanan nila ang pagbibigay ng komunyon at iba pang tungkulin sa simbahan.

Nabatid na ang apat ay kabilang sa 30 ibang pang mga pinakaunang sumuko sa mga awtoridad nang mag-umpisa ang Oplan Tokhang. 

Sumailalim ang surrenderees sa programang CARROTS o Community Assisted Rehab and Recovery Out-Patient Training System na ipinatutupad ng Caloocan Anti-Drug Abuse Council (CADAC).

Sinabi ni Malapitan, patunay ang apat na lay ministers na maaaring tuluyang magbago ang sinomang lulong sa ilegal na droga kung gugustuhin at kung mapapalapit sa Panginoon.

Sa kasalukuyan, may 70 pasyente ang CARROTS sa tatlong simbahan kabilang ang San Roque Parish sa A. Mabini; Our Lady of Lujan Parish sa Bagong Barrio; at sa Our Lady of Lourdes sa Camarin. (JUN DAVID)



COMMENTS

About Jun David

Scroll To Top