Sunday , June 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / DoLE Region 4A Director pasakit sa Obrero
DoLE Region 4A Director pasakit sa Obrero

DoLE Region 4A Director pasakit sa Obrero

MAIGTING ang hinaing at panawagan ng isang grupo ng mga manggagawa na agad aksiyonan ng Malakanyang ang  isang opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa lalawigan ng Laguna dahil sa umano’y pagiging pabaya nito sa trabaho upang maprotektahan ang maliliit na obrero.
***
Layunin na papanagutin ng grupong Liga ng mga Manggagawa para sa Regular na Hanapbuhay – Laguna, si Zenaida Angara Campita, Regional Director ng Region 4A bunsod ng ginawang panlilinlang umano sa kanila.
Ipinararating ng grupo ang kanilang reklamo sa kaalaman ni Pangulong Duterte sa pamamagitan ng isang liham na kanilang isinumite sa kanyang tanggapan.
***
Giit ng nasabing samahan, kaduda-duda ang mabilis na desisyon nitong maglabas ng writ of execution at kautusan na closed and terminated sa nakabinbing kaso para sa regularisasyon at sa lahat ng resulta ng inspeksiyon o assessment.
“Minarapat po naming lumiham sa inyo at sa inyong tanggapan upang idulog ang aming kinakaharap na suliranin sa kasalukuyan. Kami po ay napakatagal nang napagkaitan ng batayang karapatan para sa pagkakaroon ng seguridad sa hanapbuhay, mahusay na pasahod at maging ang katiyakan sa aming mga trabaho bilang mga kontraktuwal,” bahagi ng sulat ng mga manggagawa kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.
***
Hiling nilang magkaroon ng malalimang imbestigasyon sa ginawang pag-iisyu ng writ of execution na sadyang inalis ang regularisasyon noong 17 Mayo 2017 nina Guido R. Recio, kasalukuyang officer in charge ng Laguna provincial office at si Angara.
“Naniniwala kami na ang nasabing opisyal ng DOLE Region IV-A ay may panlilinlang at mga malisyosong motibo na ginagawa laban sa aming mga manggagawa at ito ay maituturing na grave misconduct,” ayon sa mga manggagawa.
***
Inakusahan ng nasabing manggagawa na itinatambak ng DOLE-Region 4-A sa kanilang mga bodega ang kanilang mga inihahaing reklamo na malinaw umanong paglabag sa Department Order no. 131B o sa Labor Law Compliance System (LLCS).
“Humihiling kami, sa ngalan ng hustisya at tunay na pagbabago sa ilalim ng administrasyong Duterte na ilabas ang totoong imbentaryo ng lahat ng nakabinbing kaso sa Calabarzon area at papanagutin ang mga dapat managot sa mga paghihirap ng mga manggagawa na may nakasampang labor case.
***
Hintayin natin ang sagot at aksiyon ng ating Pangulong Rodrigo “Digong Duterte.

COMMENTS

About Amor Virata

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved