Tuesday , December 12 2017
Breaking News
You are here: Home / News / 16-anyos utol ni Nadine Lustre nagbaril sa ulo
16-anyos utol ni Nadine Lustre nagbaril sa ulo

16-anyos utol ni Nadine Lustre nagbaril sa ulo

PATAY makaraan magbaril sa ulo ang 16-anyos high school student na pinaniniwalaang kapatid ng aktres na si Nadine Lustre sa loob ng kanyang kuwarto sa kanilang bahay, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang biktimang si Isaiah Paguia Lustre, 16, natagpuang duguang nakahandusay sa loob ng kanyang silid.

Ayon kina Ezequiel at Naomi, mga kapatid ng biktima, dakong 7:45 pm, naglalaro sila ng games sa iPad sa kanilang sala nang makarinig sila ng dalawang putok ng baril mula sa silid ni Isaiah.

Agad tinungo ng dalawa ang kuwarto ni Isaiah at tumambad sa kanila ang kapatid nilang duguan at nakahandusay sa sahig.

Sa tulong ng kapitbahay, dinala sa Pacific Global Medical Center ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Dagdag nina Ezequiel at Naomi, walang nasabi si Isaiah sa kanila kung may dinadalang mabigat na problema maliban sa kapansin-pansin ang pagiging malulungkutin, bugnutin at nagkukulong mag-isa sa kuwarto ang kanilang kapatid nitong nakaraang linggo.

Sa isang post sa Facebook account, sinabing si Nadine Alexis Paguia Lustre ay panganay na anak nina Myraquel Paguia-Lustre at Ulysess Lustre.

Mayroon siyang tatlong kapatid na sina Naomi Lustre, Ezequiel Lustre, at Isaiah Lustre.

Sa 31 Oktubre, ipagdiriwang ni Nadine ang kanyang ika-24 kaarawan.

(ALMAR DANGUILAN)



COMMENTS

About Almar Danguilan

Scroll To Top

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com