Thursday , February 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Hindi ko naisip baguhin ang aking mukha dahil baka malungkot ang Filipinas — Empoy
Hindi ko naisip baguhin ang aking mukha dahil baka malungkot ang Filipinas —  Empoy

Hindi ko naisip baguhin ang aking mukha dahil baka malungkot ang Filipinas — Empoy

NANLAKI ang mata na natatawa ang reaksiyon ni Empoy Marquez nang tanungin kung aware ba siya sa trending na pagpaparetoke ni Xander Ford.

“Nakikita ko po siya sa social media. Actually, hinahanap po siya ni Kuya Dennis (Padilla, director ng ‘The Barker’), igi-guest siya sa isang movie,” bulalas ni Empoy.

Seryoso ba ‘yan?

“Hindi, joke lang,” pakli niya.

Ano ang reaksiyon niya sa gaya ni Xander na binago ang sarili physically?

“Para sa akin. ‘yung ginawa ni Marlou, ginawa niya kung ano ang passion niya sa buhay. Kung saan po siya magiging masaya, susuportahan po namin siya,”maikling sagot ni Empoy.

Hindi ba niya naisip dati na baguhin din ang ilang parte ng kanyang mukha?

“Hindi ko po naisip kasi ‘pag binago ko ang mukha ko, baka malungkot ang buong Filipinas,” sambit niya.

Anyway, muling susubukan ang lakas sa takilya ni Empoy sa October 25 para sa pelikulang The Barker pagkatapos ng box office hit na Kita Kita. Kasama niya sinaShy Carlos, Jeric Raval, Wilma Doesnt, Ronnie Lazaro, Janice Jurado, at angThe Greatest Love’s power couple Sylvia Sanchez and Nonie Buencamino. The film also stars newcomers Jemina Sy and Raffy Reyes. Ito ay directorial debut niDennis Padilla. Ang The Barker ay co-production ng Viva Films at Blank Pages Productions ni Direk Arlyn dela Cruz.

TALBOG!
ni Roldan Castro



COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved