Tuesday , April 16 2024

Trailer pa lang ng Seven Sundays, apektado na kami

NALUNGKOT kami nang mapanood ang official trailer ng pelikulang Seven Sundays ng Starcinema na pinagbibidahan nina Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Enrique Gil, at Cristine Reyes dahil tungkol sa pamilya na nawalan na ng ina at mawawalan na rin ng ama na gagampanan ni Ronaldo Valdes.

Naalala kasi namin ang nanay naming iniwan kami 14 years na ang nakararaan.

Nang malaman naming balik-pelikula na si Aga ay napaisip kami kung ano ang karakter niya at kung ano ang kuwento ng Seven Sundays dahil kilala naming namimili ng proyekto ang aktor lalo na ngayon na dapat niyang paghandaan ang pagbabalik niya sa pelikula.

Bukod dito ay alam din naming siyempre bida si Aga dapat dahil premyadong aktor siya sa hindi mabilang na pelikulang nagawa na niya noon pa at nasanay kasi kami na kapag Aga Muhlach movie, siya ‘yung pinaka-poste.

Mali kami dahil base sa trailer na napanood namin sa Seven Sundays ay si Valdez ang poste at iikot ang kuwento sa mga anak niyang mga pasaway na sina Aga, Dingdong, Enrique, at Cristine.

Si Ronaldo na ama ng mga nabanggit ang natitirang buhay at hindi nadadalaw ng magkakapatid simula noong mawala ang ina nila, kaya ang dialogue ng una noong dumalaw siya sa puntod ng asawa, ”kaya siguro hindi na dumadalaw ang mga anak mo kasi wala na ‘yung niluluto mong pansit.”

Masakit para sa isang ama na hindi na siya naaalala ng mga anak kaya siguro gumawa siya ng dahilan o baka naman totoo na malapit na siyang mamatay para lang puntahan siya ng mga anak.

At kaya siguro Seven Sundays ay ito ang takdang araw na buhay pa si Ronaldo na linggo-linggo siyang dadalawin ng mga anak sa loob ng pitong beses.

Parang hawig ang Seven Sundays sa kuwento ng seryeng The Greatest Love ni Sylvia Sanchez na gumawa rin ng kuwento na malapit na siyang mamatay para lang puntahan siya ng mga anak na sina Matt Evans, Aaron Villaflor, Andi Eigenmann, at Dimples Romana.

Going back to Seven Sundays na marami ang makare-relate rito lalo na sa mga anak na pansamantalang hindi na naalala ang magulang dahil busy lahat sa trabaho.

Mapapanood na ang Seven Sundays sa Oktubre 11 mula sa direksiyon niCathy Garcia-Molina na hindi pa naman nawawala ang bilib namin sa kanya dahil kapag siya ang nagdirehe, sigurado kaming maganda at blockbuster.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Kaye Abad John Lloyd Cruz Chito Miranda Paolo Contis Patrick Garcia

Kaye inamin nahirapang mag-move on noon kay John Lloyd

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Kaye Abad sa Fast Talk With Boy Abunda ng GMA-7 noong Biyernes, napag-usapan …

Barbie Forteza David Licauco Julie Ann San Jose Rayver Cruz, Ruru Madrid Bianca Umali

Sparkle artists kinasabikan sa Calgary

COOL JOE!ni Joe Barrameda MALAKI ang agwat ng ratings ng pilot episode ng It’s Showtime sa GMA 7 over Eat …

Bong Revilla Jr PMPC

Sen Bong nakipag-bonding sa PMPC

COOL JOE!ni Joe Barrameda MASAYANG nakipag-bonding noong Linggo, April 7, si Sen. Bong Revilla sa mga miyembro ng Philippine …

Pokwang Lee O’Brian Malia

Pokwang payag madalaw ng anak si Lee O’Brian sa Amerika

MA at PAni Rommel Placente SA exclusive interview nI Pokwang Fast Talk With Boy Abunda noong Huwebes, April …

Sarah Lahbati Ruffa Gutierrez Annabelle Rama

Ruffa ipinagtanggol naglalabasang quote cards ni Annabelle fake

MA at PAni Rommel Placente MAY post si Ruffa Gutierrez sa kanyang Facebook account para pabulaanan ang mga naglabasang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *