Saturday , February 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Male personality, naglaslas nang ma-sight na may ibang lalaki ang nobya
Male personality, naglaslas nang ma-sight na may ibang lalaki ang nobya

Male personality, naglaslas nang ma-sight na may ibang lalaki ang nobya

GRABE pala kung umibig ang isang sikat na male personality na ito. Dumating na kasi siya sa puntong naglaslas siya ng kanyang pulso nang maabutang may ibang bisitang boylet ang noo’y nobya niya na kilala rin.

“Titingnan-tingnan mo siya, pero alam mo bang labis na nadurog ang puso niya noong minsang sorpresahing dalawin niya ang dyowa niya? ‘Pag park kasi niya ng sasakyan niya sa labas ng bahay ng girlilet, nagtaka na siya kung kanino ‘yung naka-park ding car,” simulang kuwento ng aming source.

Still, dumiretso pa rin daw ang bida sa ating kuwento sa baler ng dyowa niya, ”Kaso, na-shock ang lolo mo! May na-sight siyang ibang mhin sa balaysung ng girlfriend niya! Agad-agad, nag-one plus one ang isip niya, sure siya na may something ang dalawa. Dahil nasaktan ang lolo mo, hayun, para siyang batang nag-iiiyak! At ang the height, may I slash niya ang wrist niya para wakasan na niya ang kanyang buhay!”

Sa ngayon ay naka-move on na ang sikat na male personality na itago na lang natin sa alyas na Billie Llamanzares. 

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved