Monday , December 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Dalagita tinangkang gahasain sa Kadamay
Dalagita  tinangkang  gahasain  sa Kadamay

Dalagita tinangkang gahasain sa Kadamay

BUGBOG-SARADO ng mga kapitbahay ang isang lalaki makaraan pagtangkaang halayin ang isang dalagita sa opisina ng grupong Ka-damay sa inookupahan nilang pabahay sa Pandi, Bulacan, nitong Miyerkoles.

Sa ulat mula sa Pandi police, kinilala ang suspek na si Albert Barcenas, kapitbahay ng 16-anyos biktima.

READ MORE:  Biyuda utas sa tandem

Ayon sa ulat, nalasing ang dalagita makaraan makipag-inoman sa mga kaibigan sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Nang malasing, nakatulog ang biktima sa opisina ng grupong Kadamay.

READ MORE:  Negosyante nagbaril sa sarili, patay (Nasangkot sa bribery)

Ayon sa pahayag ng biktima, nang maalimpungatan siya ay nasa ibabaw na niya ang nakahubo nang si Barcenas.

Itinulak niya ang suspek at tumakas saka nagsumbong sa mga kaibi-gan hanggang sinugod ng mga kapwa residente si Barcenas at binugbog.

READ MORE:  Tagumpay ng El Gamma sa AGT pinuri ng Palasyo

Todo-tanggi si Barcenas sa paratang ng menor de edad habang nasa kulungan ng Pandi Police Station.

Nahaharap ang suspek sa kasong attempted rape.

(MICKA BAUTISTA)

COMMENTS

About Micka Bautista

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved