Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Kolektong sa mga pasugalan ratsada pa rin!
Kolektong sa mga pasugalan ratsada pa rin!

Kolektong sa mga pasugalan ratsada pa rin!

PATULOY palang umiikot at nangongolektong ng “weekly payola” sa iba’t ibang mga pasugalan ang mga nagpapakilalang vice-squad ng grupong Crame ng PNP.

Habang patuloy na itinatanggi ng isang heneral sa Crame na wala siyang inuutusan na mangolekta ng linguhang I.N.T. sa mga ilegal na pasugalan ay patuloy sa pangongotong ang mga nagpapakilalang vice-squad sa mga pasugalan na gamit ang pangalan ng nasabing heneral.

Ang mga vice-squad ‘kuno’ na nag-iikot at nangongotong sa mga pasugalan ay kinilalang sina alias PO3 Dally-Say at SPO4 Tsua sa MPD, Ting Lasaro at Martin sa CAMANAVA, SPO4 Kolyading at Karl ng QCPD, Rockee at Dyigs Sebilyano naman sa SPD at Marsyall sa EPD.

READ MORE:  Umurong ba ang ‘balls’ ni Kgg. Ali Atienza? (Sa isyu ng nasolong RPT ng Barangay 128 sa Maynila)

Ayon sa ating source isang alyas Boyet Kalabaw ang siyang nag-uutos sa mga nasabing collector para kumuha ng weekly payola sa mga ilegalista sa buong National Capital Region (NCR) at sa kanya rin inire-remit ang kabuuang koleksiyon.

Bukod daw sa limang distrito ng NCR ay umiikot din at nanghihingi ng I.N.T. sa mga pasugalan sina alyas Jhun Alibadbaran at Emeng Makasakit mula sa Region-4A.

READ MORE:  OWWA admin Becca Calzado no show sa displaced OFWs sa airport!

Samantala ang mga pasugalan naman mula sa labas ng NCR gaya ng Region 3, Region 1 at Region 5 ay direkta mismo na ibinibigay ng mga ilegalista ang kanilang intelihensiya sa isang alias Master M. gaya ng masiao, suertres, bookies ng STL, jueteng, at iba pang mga ilegal na pasugalan.

Nabatid ng source, ang intelihensiya na nakukuha naman sa paihi, patulo, smuggling at iba pa na nanggagaling sa Clark, Angeles, Bulacan, Valenzuela, Pampanga, Cavite at Region-4A ay bank to bank naman na ipinapasok sa account ni Master M. at saka ipapadala sa tao ni General na may alyas na Harrasko.

READ MORE:  Mag-ingat sa notoryus na basag kotse gang sa Roxas Blvd to MOA

Ayan po chief PNP DG Bato Dela Rosa, ang magagaling mong tauhan na ang inaatupag ay kolektong pa rin sa kabila nang mahigpit ninyong utos na tigilan na ang gawain na ito.

Ang pangamba natin, baka pati po ang opisina n’yo ay pinangongolektong na ng grupong ‘yan?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap





COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved