Thursday , January 17 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / House Bill 913 para sa proteksiyon, seguridad, at benepisyo ng mga mamamahayag
House Bill 913 para sa proteksiyon, seguridad, at benepisyo ng mga mamamahayag

House Bill 913 para sa proteksiyon, seguridad, at benepisyo ng mga mamamahayag

BAGONG bill pero lumang tunog ang isinusulong an House Bill 913 (Journalist Protection, Security, and Benefit Act) ni Kabayan party-list Harry Roque.

Hindi ba’t tuwing may bagong presidente laging may bagong task force para sa kaligtasan ‘kuno’ ng mga mamamahayag?

O baka naman bagong imbentong puwesto at task force para pagsaksakan ng mga buraot na nakapambobola ng uto-utong opisyal ng pamahalaan?!

Kumbaga sa organizational chart, nakakahon sa literal na dotted line.

Pero sa aktuwal, wala rin namang nahihitang proteksiyon ang mga mamamahayag.

READ MORE:  SILG Mar Roxas at PNP Chief D/G Alan Purisima, kailan kaya tutuwid ang daan sa PNP-PRBS?

Uulitin na naman ng inyong lingkod, ako mismo na dating presidente ng National Press Club (NPC) ay naging biktima ng mga abusadong awtoridad.

Sa kasong Libel ay inaresto ang inyong lingkod sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) isang araw ng Linggo, Easter Sunday, sa harap ng aking mga anak na noo’y kasama kong umuwi galing sa isang bakasyon sa labas ng bansa.

Ginawa ko ang lahat ng paraan para makamit ang katarungan at papanagutin ang mga abusadong pulis kasabwat ang promotor ng pag-aresto sa akin.

Pero nakalulungkot na isang gawa-gawang fuck ‘este ‘commissioned’ fact finding task force na pinamumunuan ng isang gago ‘este abogado kasama ang ‘radio man’ (hindi broadcast journalist) kundi laging may dalang radio, ang nagdesisyon na ang inyong lingkod pa ang may kasalanan kung bakit naaresto.

READ MORE:  Malls na ‘coddler’ ng kolorum na PUBs & PUVs binantaan ni Usec. Orbos

Inireklamo ng inyong lingkod sa Ombudsman ang mga abusadong pulis na umaresto sa akin, pero dahil wala naman maitutulong sa karera ng Ombudsman ang kasong aming inihain, tinulugan lang hanggang tumagal.

READ MORE:  ‘Mang-aagaw’ ng RPT shares at barangay “Tupada w/ permit” Chairmen Awardee ng Maynila

Kung maaprubahan ang HB 913 ni Congressman sana naman ay hindi ito maging selective at sana naman ay hindi magamit sa pagpapapogi at propaganda lang.

Inuulit po ng inyong lingkod, kung may katotohanan ang batas na ‘yan, sana ay maglingkod nang tunay sa mga mamamahayag.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap





About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top