Saturday , February 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / “It Girls” na sina Sue, Miles, Jane, Michelle at Channel maninindak sa “The Debutantes”
“It Girls” na sina Sue, Miles, Jane, Michelle at Channel maninindak sa “The Debutantes”

“It Girls” na sina Sue, Miles, Jane, Michelle at Channel maninindak sa “The Debutantes”

AFTER ng blockbuster movie ng Regal Entertainment ng mag-mommy Roselle at Mother Lily Monteverde na “Woke Up Like This” nina Vhong Navarro at Lovi Poe na as of press time ay humamig nang mahigit P60 million sa takilya, itong “The Debutantes” naman na pinagbibidahan ng “It Girls” ng horror film na sina Sue Ramirez, Miles Ocampo, Michelle Vito, Jane de Leon, at Channel Morales ang next offering ng Regal.

Simula ngayong Oktubre 4 (Miyerkoles) ay magsasabog na ng takot at lagim sa exciting at thrilling movie ng taon sa ilalim ng direksiyon ng batang direktor na si Prime Cruz.

Si Direk Prime ang director ng “Ang Manananggal sa Unit 23-B” at dito sa kanyang bagong proyekto ay sinigurado niyang ibahin ang genre at mas tripleng katatakutan ang mga eksenang mapapanood ng moviegoers na talagang titili o sisigaw sila sa loob ng sinehan.

Ginamitan ng hightech na special effects ng director ang maraming scarry scenes sa The Debutantes kaya parang hindi Pinoy horror movie ang inyong mapapanood kundi mala-Hollywood. Ibig sabihin ay all-out ang budget ni Madera at Ms. Roselle dito.

Iikot ang kuwento ng “The Debutantes” kay Kate (Sue), friendless at weird looking na estudeyante. Gusto niyang makipaglapit sa kapwa estudyante na sina Lara (Miles), Jenny (Jane), Candice (Michelle) at Shayne (Channel). Pero bigo siyang makuha ang loob nilang lahat hanggang dumating ang puntong madalas siyang ma-bully. Bukod tanging si Lara lang ang naging malapit sa kanya. Hanggang makaranas ng masamang panaginip si Kate at binigyang babala niya ang apat na babae pero hindi siya pinakinggan.

Sa bandang huli, natuklasan niya siya pala ang dahilan kung bakit may kababalaghang dumarating sa girls sa pagsapit ng 18th birthday ng debutantes. Kung pagbabasehan ang official trailer sa Youtube channel at Facebook Fan Page ng Regal Entertainment, na humamig nang maraming views sa dami ng mga eksena na nakasentro sa kanya ay obyus na si Sue ang pinakapangunahing bida sa The Debutantes. Pero base sa kuwento ni Direk Prime sa nakaraang grand presscon ng movie na ginanap sa Valencia Events Place na pag-aari rin ni Mother Lily ay may kanya-kanyang highlight ang limang debutante na ayaw naman niyang ikuwento kung ano-ano ito.

Pero paglilinaw ni Direk Prime, “Medyo surprise po kasi, pero ang nakikita po sa trailer, mamamatay ‘yung girls isa-isa na hindi natin alam kung bakit? May clue naman sa trailer kung sino?”

So para inyong masaksihan mismo kung sino ang killer sa movie at bakit siya pumapatay? Panoorin ninyo ang The Debutantes, sa inyong favorite cinemas nationwide this October 4.

***

Coco hanggang kailan
maitatago ang tunay
na pagkatao sa Pulang
Araw sa “FPJ’s
Ang Probinsyano”

Halos ayaw na naming tumayo sa aming kinauupuan (I’m sure lahat ng viewers ganoon din) at ‘di na halos humihinga habang pinapanood nitong 28 Setyembre, Huwebes ang episode ng no.1 show sa buong bansa na “FPJ’s Ang Probinsyano” na sinundan ni Leon (Lito Lapid) si Cardo/Fernan (Coco Martin) habang paalis ng Pulang Araw at kung saan pupunta na may bitbit na pagkain?

Nalilito na kasi sina Amang (Dante Rivero) at Leon kung sino sa grupo nila ang nagpatakas sa dalawa nilang bihag na sina SPO2 Geraldo (Ejay Falcon) at PO3 Katarina (Louise delos Reyes). Nangangamba sila na dahil sa mga bihag ay masundan ng militar ang kanilang kuta. Nakahinga na lang kami nang malusutan ni Cardo si Leon at hindi siya nabuko. Sabi ni Cardo, hindi pa tamang panahon para madiskbure ng mga lider ng Pulang Araw kung sino siya at ang tunay niyang pagkatao lalo’t inaruga siya at pinagtiwalaan ng mga pinuno na may ipinaglalaban sa gobyerno.

Samantala, hanggang kailan kaya maitatago ni Cardo ang ugnayan niya kina Geraldo at Katarina (mga kapwa SAF)? At sa oras na malaman na kalaban sila ng mga rebelde ano kaya ang magiging kapalaran ng tatlo? Matalo kaya nila ang kanilang ngitngit sa pamamagitan nang pakikipaglaban? O bago mahuli ang lahat ay ipagtatapat na kaya ni Cardo kay Leon na siya si SPO2 Cardo Dalisay, na matagal na nilang hinahanap.

Samantala patuloy ang pagkukunwari at kasamaan nitong si General Renato Hipolito (John Arcilla) na gustong ipaligpit kay Major Catindig (Sid Lucero) ang tao niya na marami nang nalalaman sa sikreto ng heneral na matagal ng tumatraidor sa bayan at totoong kalaban ni Cardo.

Patuloy na napapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida ng Kapamilya network.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma



COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved