Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Noven, gagamitin ang musika para maging inspirasyon ng mga taong may pinagdaraanan
Noven, gagamitin ang musika para maging inspirasyon ng mga taong may pinagdaraanan

Noven, gagamitin ang musika para maging inspirasyon ng mga taong may pinagdaraanan

NAKAHIHINGA na ng maayos ngayon si Noven Belleza dahil natapos na ang problemang kinaharap niya noon. Kaya naman handing-handa na siyang harapin ang bagong yugto sa kanyang buhay at karera.

Aniya, nagpapasalamat siya sa mga taong nariyan pa rin sa tabi niya. “Nagpapasalamat ako unang-una sa Panginoon, sa pamilya ko, sa mga tao na hanggang ngayon nariyan sumusuporta sa akin. Gusto kong sabihin sa kanila na maraming-maraming salamat at lubos kong naiintindihan ang mga responsibilidad na dapat ko pang gawin sa inyo,” anang singer.

Sa mga karanasan niya huhugutin ang emosyon na handog ng kanyang bagong musika na siyang katuparan ng kanyang mga pangarap. “Marami akong inspirasyon ngayon. Hindi nawawala ang pamilya, kasi anuman ang problema na dumating sa ‘yo, nalulugmok ka man, nanghihina, wala kang ibang matatakbuhan kundi sila, pinakauna iyan. Pangalawa, sa mga taong sumusuporta sa akin, sa Novenatics ko.”

READ MORE:  Tetay, pinasalamatan si Duterte (Sa mga bulaklak sa puntod ng mga magulang)

Sinabi ni Noven na nais niyang gamitin ang kanyang musika para maging inspirasyon ng mga taong may pinagdaraanan.

Kata sa paglulunsad ng kanyang nakaaantig na music video na tampok ang kanyang unang single na Tumahan Ka Na, ipinakikita ang mga pinagdaraanan ng pamilya, ng mga overseas Filipino worker at sundalo at maging ng mga sawi sa pag-ibig.

READ MORE:  Moralidad, isyu na sa actor na may kasong katiwalian

Patok nga agad ang single na Tumahan Ka Na dahil consistent number one ito at 10 linggo nang nananatili sa radio charts.

“Sa tingin ko maraming makare-relate sa mga kanta ko kasi pampasigla ng mga naaapi. Kung nanghihina ang loob mo, kung maririnig mo ang mga kanta ko, may magmo-motivate sa ‘yo na palakasin ka,” pahayag pa ni Noven.

Nais ding makapaghandog ni Noven ng mga awiting mananatili sa puso ng mga Pinoy, gaya ng ginawa ng kanyang mga iniidolo.

“Sa tingin ko, nami-miss na natin ang OPM dati. Gaya ng kay April Boy Regino, Martin Nievera, at sa Rockstar. Tumatak talaga ang mga kanta nila. Gusto kong ibalik ang mga ‘yun,” sabi niya.

READ MORE:  Shaina Magdayao litaw na litaw ang pagiging aktres sa top-rating Primetime Bida teleserye na “Nathaniel”

Ilulunsad ngayong linggo ang album ni Noven mula sa Star Music.

At nang tanungin si Noven kung ano ang pinakamahalagang natutuhan niya matapos manalo sa Tawag ng Tanghalan, aniya, “Salat ka man sa buhay, pangit ka man o may kapansanan, hindi hadlang lahat ng ‘yun kung may pangarap ka. Lahat iyan maaabot mo basta magpursige ka at samahan mo ng dasal. Pero hindi lang puro pangarap, kailangan mo ring pagsikapan.”

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio



COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved