Friday , February 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / JLC, nagrerebelde
JLC, nagrerebelde

JLC, nagrerebelde

PINAG-UUSAPAN pa rin si John Lloyd Cruz sa kanyang mga post sa  Instagram account.

Hindi masakyan ng karamihan ang mga pinaglalagay niya sa kanyang IG. ‘Yung iba turned off, yung iba ay natatawa, nagugulat, at napapailing na lang.

Hitsurang sinasadya na ni Lloydie na magpasaway sa kanyang IG account na animo’y nagrerebelde.

Pinagtatalunan din kung ebak ba talaga ‘yung ipinost niya o kaya ay longganisa?

Hindi rin masakyan ng mga katoliko ang crucifix na nasa IG niya.

Pero sabi nga walang basagan ng trip. Walang pakialaman kung gustong magpaka-art o kung ano ang gustong i-post ng Home Sweetie Home star.

Mas safe si John Lloyd  at ang image niya ‘pag tumigil na siya sa social media at hindi na maging aktibo sa kanyang IG account.

Oo nga!

TALBOG
ni Roldan Castro



COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved