Sunday , June 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / MC 25: retrato ng politiko bawal na (Sa gov’t offices, school)
MC 25: retrato  ng politiko  bawal na (Sa gov’t offices, school)

MC 25: retrato ng politiko bawal na (Sa gov’t offices, school)



WALA nang puwang sa lahat ng tanggapan ng mga ahensiya ng pamahalaan at pampublikong paaralan, kolehiyo at unibersidad ang mga retrato ng mga politiko at opisyal ng gobyerno.

Sa bisa ng Memorandum Circular No. 25 (MS 25), iniutos ni Pangulong Duterte ang pagbabawal sa paglalagay ng kanyang retrato at iba pang opisyal ng pamahalaan sa mga tanggapan ng gobyerno at palitan ng mga retrato ng mga bayani ng bansa.

Kabilang sa mga bayani ng Filipinas na puwedeng ilagay ang retrato ay sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, Marcelo H. del Pilar, Juan Luna, Melchora Aquino, Gabriela Silang, Lapu-lapu, Father Jose Burgos, Father Mariano Gomes, Father Jacinto Zamora, Emilio Jacinto at Jose Abad Santos.

(ROSE NOVENARIO)



COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved