Saturday , February 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Illegal recruiter pa-Japan timbog sa AHTRAD-NBI
Illegal recruiter pa-Japan timbog sa AHTRAD-NBI

Illegal recruiter pa-Japan timbog sa AHTRAD-NBI

ARESTADO sa mga ahente ng National Bureau of Imvestigation (NBI) sa Las Piñas City ang hinihinalang illegal recruiter na nambiktima ng ilang tao na pinangakuan ng trabaho sa Japan.

Ang suspek na si Dioscora Tilos, alyas Barbie, ay inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation – Anti Human Trafficking Division (AHTRAD) sa entrapment operation sa kanyang bahay nitong Lunes.

Narekober mula kay Tilos ang P3,000 cash na ibinigay ng isa sa mga complainant, kasama ng NBI agent na nagkunwaring overseas work applicant, bilang marked money sa entrapment operation.

Sinabi ng mga aplikante sa AHTRAD investigators, si Tilos nagkunwaring ahente ng lehitimong recruitment agency ay nagre-recruit umano ng mga magsasaka para sa Japan at pinangakuan sila ng P80,000 sahod kada buwan.

Anila, nagbayad sila kay Tilos ng kabuuang P6,800 para sa documentation at proceesing fees. Ngunit nang i-chek ng mga aplikante kung lehitimo ang kinabibilangang recruitment office ni Tilos, nadiskobre nilang hindi konektado ang suspek sa nasabing ahensiya.

Bunsod nito, humingi sila ng tulong sa mga awtoridad at naghain ng reklamo sa NBI.

Nang beripikahin ng NBI sa listahan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), nabatid nilang si Tilos ay hindi awtorisado o lisensiyado para mag-recruit ng mga manggagawa para sa overseas employment.

Si Tilos, nakapiit sa NBI Headquarters sa Taft Avenue, Ermita, Maynila, ay haharap sa kasong illegal recruitment at estafa sa Department of Justice (DoJ).

Samantala, dalawang buwan na ang nakararaan, inaresto ng mga awtoridad ang isang hinihinalang illegal recruiter na si Japanese national Shoichi Nakai at kanyang Filipino partner na si Mary Jane Ramirez Tan, sa entrapment operation sa Mandaluyong City.

Inaresto sila makaraan tanggapin ang marked money mula sa mga complainant sa loob ng Ohayo Japanese Language Training Center.



COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved