Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Chinese national itinumba (Galing sa hearing sa drug case)
Chinese national itinumba (Galing sa hearing sa drug case)

Chinese national itinumba (Galing sa hearing sa drug case)

PINAGBABARIL ang isang  Chinese national na may kasong droga ng apat na hindi kilalang lalaki habang kagagaling sa kanyang hearing sa korte sa Las Piñas City kahapon ng hapon.

Ilang tama ng bala sa ulo ang ikinamatay ng biktimang si Lee Yu Xin,  alyas Alex /Francis Lee, at Wahya,  43, nanunuluyan sa BF Resort Village, Brgy. Talon Dos, Las Piñas City.

Nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya kaugnay sa insidente para kilalanin ang mga suspek.

READ MORE:  Deped Usec utas sa motorbike

Sa inisyal na ulat na natanggap ni Las Piñas City police chief, Sr. Supt. Marion Balolong, dakong 3:20 pm kahapon nang mangyari ang insidente malapit sa isang restobar sa kahabaan ng Alabang-Zapote Road, Brgy.  Pamplona 3 ng lungsod.

READ MORE:  Pulis, raliyista nagsagupa sa Times St.

Kagagaling ng biktima mula sa hearing nito sa kasong kinakaharap na  paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 sa Las Piñas City Regional Trial Court (RTC).

Naglalakad ang biktima sa naturang lugar nang sumulpot sa kanyang harapan ang apat na lalaki na agad siyang pinagbabaril, na agad niyang ikinamatay.

READ MORE:  Solusyon: Clean energy — Abante (Sa krisis sa koryente)

Tumakas ang mga suspek sa hindi nabanggit na direksiyon.

Inaalam ng pulisya, kung ang pamamaslang sa biktima ay may kinalaman sa droga.

(JAJA GARCIA)



COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved