Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Bantay ng pangulo patay sa PSG HQ
Bantay ng pangulo  patay sa PSG HQ

Bantay ng pangulo patay sa PSG HQ

NATAGPUANG patay sanhi ng isang tama ng bala sa kanyang dibdib ang isang opisyal ng Presidential Security Group (PSG) sa loob ng kanyang quarters sa Malacañang Park sa Otis, Paco, Maynila, kahapon ng umaga.

Sinabi ni PSG Commander Col. Louie Dagoy, iniimbestigahan ng pulisya ang pagkamatay ni Major Harim Gonzaga, 37-anyos, may asawa at dalawang anak.



Nabatid kay Dagoy, nakita si Gonzaga ng kanyang misis, isa rin PSG member, dakong 8:50 am sa loob ng kanilang quarters na tahanan din ng kanilang pamilya.

READ MORE:  Grade 8 pupil nagtangkang mag-suicide nang i-expel ng titser
READ MORE:  P3-M alahas natangay ng Dugo-dugo sa Cainta

Naniniwala ang PSG na walang foul play sa pagkamatay ni Gonzaga ngunit ayaw ni Dagoy na maghayag ng espeskulasyon kay hihintayin nila ang resulta ng pagsisiyasat ng pulisya.

“We cannot speculate. It’s hard to say it was suicide,” aniya.

READ MORE:  Rappler ‘swak’ sa P133.84-M tax evasion raps

Ngunit ayon sa misis ni Gonzaga, inireklamo sa kanya ng mister ang tambak na trabaho bilang pinuno ng PSG operation, partikular ang deployment ng kanilang mga tauhan.

Nang maganap ang insidente, si Pangulong Duterte ay nasa Bahay Pagbabago, ang kanyang official residence na nasa Malacañang Park.

(ROSE NOVENARIO)



COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved