Sunday , August 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Singer-comedienne, naimbiyerna; TF, ‘di pa rin tumataas
Singer-comedienne, naimbiyerna; TF, ‘di pa rin tumataas

Singer-comedienne, naimbiyerna; TF, ‘di pa rin tumataas

NAMUMULA sa hiya pero walang magawa ang isang production staff ng isang weekly TV show nang soplahin siya ng inimbitahan nilang singer-comedienne para mag-guest sa isang episode kamakailan.

Pagkaabot na pagkaabot kasi ng staff ng cash voucher sa mang-aawit-komedyana para papirmahan, nanlaki agad ang mga mata nito sabay dayalog ng, “Ano ba ‘yan? Wala bang budget ang show na ‘to? Eh, hindi na tumaas ang TF (talent fee) ko rito, samantalang suki n’yo naman ako!”

Imbiyerna man at pumirma na rin ang bida sa kuwentong ito. Sa isip-isip niya, barya-barya man na maituturing ang TF niya ay sayang din lalo’t wala naman siyang regular na pinagkakakitaan.

READ MORE:  Meg Imperial, na-depress kaya nawalan ng trabaho
READ MORE:  Kate Brios, bilib sa galing ni Allen Dizon

Da who ang singer-comedienne na feeling binarat ng isang lingguhang TV show? Itago na lang natin siya sa alyas Glydel Givenchy.

READ MORE:  Gulo ng mag-amang Maegan at Freddie, ‘wag nang patulan

(Ronnie Carrasco III)



COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved