Wednesday , February 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Pingris swak sa 5,000-point club
Pingris swak sa 5,000-point club

Pingris swak sa 5,000-point club

KILALA bilang isa sa pinakamahigpit dumepensa sa kasaysayan ng PBA, ipinamalas ni Marc Pingris ng Sta Hotshots na kaya niyang umangat sa departamento ng opensa.

Nakatawid na si “Pinoy Sakuragi” sa prestihiyosong 5,000-point club sa pagkamada ng 12 puntos na sinahogan ng 9 rebounds at 4 assists sa 128-81 pagbabaon nila sa KIA Picanto.

Tanging si Pingris pa lamang ang ika-82 Pinoy at ika-85 kabuuan sa lahat ng manlalarong nakaiskor ng  5,000 puntos sa 42 taong kasaysayan ng PBA.

Ang tubong Pozzurobio, Pangasinan ang ikaanim na manlalaro ng prangkisa ng Purefoods na nakaguhit ng ganoong kasaysayan matapos ang mga alamat na sina Alvin Patrimonio, Jerry Codinera, James Yap at Kerby Raymundo.

Pambihira ang parangal na ito para kay Pingris lalo na’t hindi siya nakapagrehistro nang higit sa 10 puntos sa loob ng 13 taon sa liga mula nang pumasok bilang 3rd overall pick noong 2004.

Pinakamagandang pagtawid din sa naturang bilang ng  puntos ang naabot ni Pingris dahil sa slam dunk sa huling segundo para sa kanyang ika-5,001 puntos.

Kasama si Pingris sa 40 Greatest Player ng PBA na pinarangalan noong 2015 at nag-uwi ng 3 Defensive Player of the Year awards kabilang ang 8-time All Defense Team selections. (JBU)



COMMENTS

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved