Monday , December 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Kahit walang kinalaman sa P6.4-B shabu sa Customs nagdurusa rin
Kahit walang kinalaman  sa P6.4-B shabu  sa Customs nagdurusa rin

Kahit walang kinalaman sa P6.4-B shabu sa Customs nagdurusa rin

NAPAKASAMA ng nangyari dahil sa paratang sa mga opisyal ng Bureau of Customs (BoC) ay maraming pamilya ang nadamay dahil sa P6.4 bilyong shabu na nasakote ng mga operatiba.

Ang mahalaga ay nahuli ang illegal drugs ‘di ba?

Sa tingin ko, talagang sindikato ito ng mga Chinese.

Bakit ang sinabi ng China customs na magparetrato at dapat safe ang informer na si Richard Chen? 

READ MORE:  FOI ipatutupad na ng Palasyo sa Executive Order (Sa wakas matutuloy na rin)

I pity this customs officials na walang kinalaman sa kasong ito. Biktima sila ng pagkakataon.

‘Yung ibang nabanggit na bagman ay matagal nang nasa floating status. Pero mayroon talagang mga garapal sa tarahan.

***

Nagtataka lang ang marami sa customs, kung bakit hindi isinama si Atty. Hilario at DepCom. Gambala sa kinasuhan ng PDEA?

Doon sa kanila nag-umpisa ang alingasngas at sila ang may kontrol sa computerization na selectivity system na green lane.

READ MORE:  Sabong Online namamayagpag na sa internet

There is something wrong at fair is fair dapat!

Kawawa naman ang mga taga-BoC na laging nagiging punching bag.

***

Ang mga tao sa BoC-PIAD ay dapat sibakin o palitan dahil walang ginawang maganda sa media. Puro lang pasikat at sipsip. Mayroon Mr. B, na kung umasta akala mo mas mataas pa sa commissioner.

READ MORE:  Problema ni Bam si Kris

Mantakin ninyo, turnover ni incoming Commissioner Lapeña at outgoing Commissioner Faeldon, tinatakpan niya o sinasadya na takpan ang turnover dahil likod niya ang nakikita ng mga cameraman at photographers.

‘Yun isang babae na napaka-plastik sa media diyan lakas sumipsip noon kay bolerong Commissioner Lina.

Sibakin na mga ‘yan!

PAREHAS
ni Jimmy Salgado



COMMENTS

About Jimmy Salgado

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved