Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 5 sugatan, 483 bahay nasira sa 5.4 quake sa Lanao Sur
5 sugatan, 483 bahay nasira sa 5.4 quake sa Lanao Sur

5 sugatan, 483 bahay nasira sa 5.4 quake sa Lanao Sur

UMABOT sa lima katao ang sugatan habang 483 bahay ang nasira makaraan ang magnitude 5.4 lindol na tumama sa Wao, Lanao del Sur, nitong Linggo.

Dalawa sa mga sugatan ay mga residente sa Brgy. Muslim Village, kabilang ang 6-anyos babae, at si Aldjun Orandang.

Sinabi ni Orandang, tumalon siya mula sa ika-lawang palapag ng Masjid Darul Iman mosque sa pangambang gumuho ang gusali habang lumilindol.

READ MORE:  Kaso vs MPD PS1 ikinasa ng CHR

“Biglang lumakas yung lindol. Pagkatapos nasira ‘yan. Natulala ako, biglang tumalon ako. Akala ko masisira na yung mosque. Natakot ako,” ayon kay Orandang.

READ MORE:  6 pugante, jail guard patay 158 preso nakapuga (Cotabato jail inatake ng MILF)

Habang ang 6-anyos paslit ay nasugatan sa ulo nang mabagsakan ng nahulog na debris.
Sinabi ni Francis Garcia, hepe ng Wao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), umabot sa 452 bahay ang partially damaged habang 31 ang totally damaged makaraan ang lindol.



COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved