Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maja Salvador level up na sa pagiging recording artist (Sikat na Thai Pop singer makaka-duet sa album)
Maja Salvador level up na  sa pagiging recording artist (Sikat na Thai Pop singer makaka-duet sa album)

Maja Salvador level up na sa pagiging recording artist (Sikat na Thai Pop singer makaka-duet sa album)



BUKOD sa hit na teleseryeng “Wildflower” sa ABS-CBN Primetime Bida na hindi makabog-kabog ng katapat na show sa GMA, aba, level up na rin si Maja Salvador bilang recording artist.

Lumipad na ang mahusay na actress patungong Bangkok, Thailand para sa naka-schedule na recording nila ng sikat na Thai Pop singer pianist na si Saksit Vejsupaporn.

Makikipag-collaborate si Maja kay Saksit para sa kanyang bagong single at ngayon pa lang ay excited na siya sa kalalabasan nito. We heard na ire-release rin sa Thailand ang nasabing upcoming single ni Maja na inaabangan na rin ng kanyang fans dito sa Filipinas.

READ MORE:  TV host/actor, sariwa pa ang operasyong ginawa sa talukap

Parehong nag-hit ang dalawang album ni Maja under Ivory Records kaya’t hindi kataka-taka na maging in-demand ang singer-actress sa larangang ito.

“The Good Son”
ng Dreamscape Entertainment
umani agad
ng positive reviews

NGAYONG gabi pa lang mapapanood ang pilot episode ng “The Good Son,” pagkatapos ng La Luna Sangre pero umani na agad ng positive reviews ang agaw pansin na trailer nito lalo sa ginanap na special screening ng bagong all star cast family drama series ng Dreamscape Entertainment na kaliwa’t kanan ang papuring natanggap mula sa entertainment press at bloggers na nanood sa Dolphy Theater.

Bukod sa performances ng mga aktor sa serye, nakakuha rin ng positibong reaksiyon ang direksiyon at ang pagkakalahad ng kuwento nito tungkol sa apat na magkakapatid na sina Joseph (Joshua) at Obet (McCoy De Leon) at Enzo (Jerome Ponce) at Calvin (Nash Aguas) mula sa dalawang pamilya na naghahanap ng katotohanan sa pagkamatay ng kanilang ama.

Matutunghayan sa “The Good Son” ang tinitingalang teen stars ngayon na sina Loisa Andalio, Elisse Joson, at Alexa Ilacad, kasama ang mga batikang aktor na sina Mylene Dizon, Eula Valdez, John Estrada, Ronnie Lazaro, Jeric Raval, Alex Medina, at Kathleen Hermoso. Ito ay sa ilalim ng direksiyon nina Manny Palo at Andoy Ranay. Huwag palampasin ang kakaibang kaso ng pagmamahal para sa pamilya sa “The Good Son,” mapapanood na sa Lunes (25 Setyembre) sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

READ MORE:  Teri, naghamong sabay silang magpa-drug test ng isang bakla

Para sa karagdagang impormasyon, pumu- nta lamang sa fb.com/dreamscapeph at i-follow ang @DreamscapePH sa Twitter at Instagram.

Pati relasyon kay Gabriel apektado na
Sa pagkamatay ng inang si Maila,
Bianca muhing-muhi sa mag-amang Carlos
at Rigor sa “Ikaw Lang Ang Iibigin”

Sa “Ikaw Lang Ang Iibigin” nitong Biyernes, 22 Setyembre, hindi matanggap ni Bianca (Kim Chiu) na wala na ang nanay Maila (Bing Loyzaga) nila ng kapatid na si Jay-Jay (Grae Fernandez) na namatay dahil sa kagagawan ni Rigor (Daniel Fernando) na kanyang kinidnap at aksidenteng nasagasaan ng truck dahil sa pagtakas.

READ MORE:  Ipinagagawang bahay ni Kris, ipinakita na

Parehong dumalaw sa lamay ni Maila ang mag-daddy Carlos (Jake Cuenca) at Don Roman (Michael de Mesa) at parehong tinanggihan ni Bianca ang dalang bulaklak at abuloy dahil malakas ang kutob ng dalaga na may kinalaman sila lalo si Carlos at Rigor sa pagkamatay ng kanyang minamahal na ina.

Kinasusuklaman ni Bianca ang mga nabanggit, magmula umpisa ay hindi na pinatahimik ang kanilang pamilya.

Ngayon pati relasyon nila ni Gabriel (Gerald Anderson) na inosente sa trahedyang nangyari ay apektado na rin dahil ang alam ni Bianca ay anak ni Rigor ang nobyo.

Ano na ang mangyayari ngayon kay Gabriel sa pag-iwas sa kanya ng nobya at makakamit pa kaya ng pamilya ni Bianca ang hustisya sa kasalanang ginawa noon ni Rigor kay Maila?

Abangan at subaybayan ang mga tagpong ‘yan sa pagpapatuloy ng Ikaw Lang Ang Iibigin na napapanood tuwing 11:30 ng umaga pagkatapos ng Kapamilya Blockbusters sa ABS-CBN Prime Tanghali.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma



COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved