Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ina ni Piolo, ‘di pa rin tumitigil sa paghahanap ng irereto sa anak
Ina ni Piolo, ‘di pa rin tumitigil sa paghahanap ng irereto sa anak

Ina ni Piolo, ‘di pa rin tumitigil sa paghahanap ng irereto sa anak

NOONG nasa mid-twenties palang si Piolo Pascual at wala pa ang anak na si Inigo Pascual sa buhay niya ay nakakatsikahan na namin ang mommy Amy Pascual niya na bff ni Mommy Carol Santos na ina ni Judy Ann Santos.

Noon pa ang hinahanapan na ni Mrs. Pascual ng girlfriend ang anak niyang si Piolo pero dahil bata pa naman that time ang aktor kaya okay lang sa mommy niya na wala pa.

At kapag may nababalitaang girlfriend si Piolo ay tuwang-tuwa si Mommy Amy pero bigla na lang mababalitaang hiwalay na.

Isang dekada at kalahati na pala ang nakararaan heto at ganito pa rin pala ang sinasabi ng nanay ni Piolo, ‘kailan siya mag-aasawa?’ Rati, ang tanong, kailan mo ako bibigyan ng apo, eh, mayroon na, ang guwapitong si Inigo na gumagawa na rin ng pangalan sa showbiz at music industry, pero humihirit pa ulit ng isa pa.

Sa guesting ng aktor sa Magandang Buhay noong Biyernes ay nasa audience rin ang mommy ni Piolo at nabanggit nitong inirereto siya ng ina.

“Ewan ko ba rito kay Mommy. Kapag bumibiyahe kami, maski flight attendant kinakausap niya, ‘single ka ba?’ (sabay sabi sa akin), ‘anak, single pa ito.’ ‘Ito nga pala ang anak ko, anak lumabas kayo, mag-date kayo.’

“Ako naman,’mommy, bakit mo ginagawa yan?’ So kung sino ang makita niya, kapag nakita niyang may potential, nirereto niya talaga ako.

“Kasi I want him to have his own family. Pero sabi nga niya, in time,” saad ng ina ni Piolo.

Aminado talaga si Piolo na, ”hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin ‘yon, kasi my bottomline, ang goal ko sa buhay ay ma-fulfill ko ang destiny ko, kung ano ang purpose ng Diyos sa akin at kung anuman ang calling niya sa akin. Even ‘yung pagiging artista, I just have to embrace it at ‘di mo kailangang maging pastor to be able to share the words of God. Pero gamitin mo ang influence mo to do the right thing and let it speak for you.”

READ MORE:  Confessions of A Torpe, trending na ‘di pa man ipinalalabas

Anytime ay handa ng mag-asawa ang aktor, subalit wala palang siyang mahanap.

“Ready naman ako, kaso wala akong oras. Sa totoo lang ang daming trabaho at hindi ko puwedeng hindi i-savor ang moment na ito. There has to be a perfect timing for everything,” katwiran ng leading man ni Toni Gonzaga sa pelikulangLast Night na mapapanood na sa Setyembre 27 produced ng Spring Films, N2 Productions, at Starcinema.

Sa tanong kay Piolo kung ano ang gagawin niya sa last night ng buhay niya?”Siguro iinumin ko lahat ng energy drink para maging malakas ako throughout the day.”

Kapamilya One text
handog sa mga ABS-CBN
mobile subscriber

SA bagong serbisyong hatid sa mga Kapamilya, ang ABS-CBN mobile na Kapamilya One text service, makatatanggap na ang mga subscriber ng libreng text tungkol sa trabaho, pinakamainit na balita, safety alerts, tipid tips, at iba pa.

Simulan ang pag-unlad sa buhay sa Trabaho Tips, dahil ito ay nagbibigay ng alerts tungkol sa mga bagong job opening at recruitment fair. Maaari ring makatanggap ng tips sa job interview at paggawa ng resume na mapapansin ng mga employer.

Manatiling alerto sa kaganapan sa bansa sa Balita, at sa kaligtasan at sa pag-budget naman sa Kapamilya Tips. Maaari ring tumanggap ng feel-good at inspirational quotes sa Good Vibes.

Kung may kailangan namang tulong, may directory ng Lingkod Kapamilya Hotlines.

Para makatanggap ng free Kapamilya One alerts, i-dial ang *128# sa inyoung ng ABS-CBNmobile at pumili sa menu ang mga alerts. Kailangan lang ng P1 maintaining balance para makatanggap ng alerto.

Lahat ng may ABS-CBN mobile SIM ay maaaring tumawag, mag text, at magkaroon ng internet access. Puwede rin sumali sa Kapamilya VIP program, isang status na nagbibigay sa ABS-CBNmobile users ng front row access sa Kapamilya shows, stars, events, concerts, at iba pa.

Daniel, huling
gabi na ba
sa La Luna Sangre?

NAILIGTAS na ng grupo ng mga lobo sa pangunguna ni Baristo (Joross Gamboa) ang miyembro nilang si Cattleya (Sue Ramirez) na isinangkalan ni Omar (Ahron Villena) kay Supremo/Gilbert Imperial) para maligtas ang asawa nitong nasa kamay ng mga bampirang pinamumunuan.

READ MORE:  LA Santos, ginagawa na ang MTV para sa kanyang debut album

Wala kasi si Supremo ng mga sandaling iyon dahil magkikita sila ni Jacintha Magsaysay (Angel Locsin) pero late dumating ang dalaga.

Nagapi ng mga lobo ang mga bampira ni Supremo dahil tinulungan sila ng babaeng nakapula na hindi nakilala nina Baristo kaya gigil na gigil si Supremo/Gilbert at pilit na pinahahanap kung sino ito at iisa ang nasa isip niya, si Lia dahil nga wala pa ito sa kanilang tagpuan.

Iba naman ang naisip ni Baristo (Joross) na ang babaeng tumulong ay si Samantha (Maricar Reyes-Poon) dahil sa pagkakaalam niya ay siya ang pinakamalakas na babaeng bampira sa ngayon.

Plano nang umalis ni Supremo/Gilbert nang dumating si Jacintha (Angel) at sinabi nitong nasiraan ang sasakyan niya kaya siya na-late, pero iba ang duda ng una dahil nga hindi rin nito makontak ang cellphone niya noong tawagan niya.
Base sa ipinakita sa La Luna Sangre ay tinuturuang sumayaw ni Jacintha si Gilbert, ”kailangan mong matutong sumayaw kapag kasayaw mo ang kaaway mo” at napatingin ang binata sa kanya.

Huling ipinakita nitong Biyernes na nakikipaglaban si Tristan (Daniel Padilla) sa mga bampira at nakita ito ni Malia kaya tutulungan niya ang binata.

Base kasi sa nakita ni Jethro (Dino Imperial) ay may mamamatay na Luna at si Tristan nga iyon kaya pinababantayan ang binata.

Kaya malalaman ngayong gabi kung ‘last night’ na ni Tristan bilang Luna at ano ang pagbabago sa karakter niya.

Direk Joyce, nagsalita
sa tampuhan
nina Vice Ganda at Coco

SPEAKING of Last Night, nakausap namin ng solo si direk Joyce Bernal pagkatapos ng Q and A presscon at inusisa namin kung may alam siya sa tampuhan nina Coco Martin at Vice Ganda dahil nagkanya-kanya silang pelikula sa 2017 Metro Manila Film Festival.

“Mayrpon akong alam, pero hindi ko alam ang detalye. Hindi naman nagkukuwento si Vice. At saka si Vice ngayon, happy kaya I guess it’s a good competition. Baka kailangan din para lumebel up ‘yung gusto mong gawin at kung ano ang ini-expect mo sa career mo,” say ni direk Joyce.

READ MORE:  Pag-I Love You ni James kay Nadine, ‘di scripted

Inamin ng direktora na noong 2016 ay movie project ni Coco talaga ang tinanggap niya.

“Honestly, ang inoohan ko talaga is Coco na project sumabay lang si Vice noong time na ‘yun nag-usap silang dalawa bilang magkaibigan. So feeling ko gusto talaga niyang (Coco) gumawa on his own project,” pahayag ni Binibining Joyce.

Walang maibigay na kompletong detalye si direk Joyce dahil mas mabuting sina Coco at Vice na lang ang tanungin para mas klaro.

Kaya ngayong MMFF ay magtatapatan ang The Revengers at Ang Panday.

Usaping Coco ay bilang na ang araw niya bilang Fernan sa FPJ’s Ang Probinsyano dahil malapit na siyang mabuko nina Pinuno/Leon (Lito Lapid) at Amang (Dante Rivero) kasama na rin nina Alakdan (Jhong Hilario) at Anton (Mark Lapid).

Lagi kasing umaalis si Fernan para hatiran ng gamot at pagkain ang iniligtas niyang bihag na kapwa SAF na sina Ejay Falcon (Geraldo de la Paz) at Louise de los Reyes (Katrina Velasco).

Halatang may pagdududa na sa mga ikinikilos ni Fernan kaya naman ang dalawang kaibigan niyang sina Bulate at Butete ay sinundan siya at nabuking na ang lihim niya, pero dahil lumalim na ang pagkakaibigan nila kaya umayon na rin ang dalawa na pagtatakpan lahat ng ginagawa niya.

At para hindi pagdudahan kung bakit laging umaalis si Fernan ay nagprisinta sina Butete at Bulate na maghatid ng pagkain sa mga bihag na sina Ejay at Louise.

Paano kung sina Bulate at Butete naman ang masundan ng grupo nina Alakdan (Jhong) at Anton (Mark), ipagkakanulo kaya nila si Fernan? Kaya abangan ngayong gabi ang susunod na kabanata sa FPJ’s Ang Probinsyano pagkatapos ng TV Patrol.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved