Sunday , October 22 2017
Breaking News
You are here: Home / News / 2 Vietnamese patay sa West PH Sea encounter
2 Vietnamese patay sa West PH Sea encounter

2 Vietnamese patay sa West PH Sea encounter

BOLINAO, Pangasinan – Patay ang dalawang mangingisdang Vietnamese makaraan makasagupa ang mga miyembro ng Philippine Navy sa West Philippine Sea, nitong Sabado.

Sinabi ni Lt. Col. Isagani Nato, Information Officer ng Northern Luzon Command, namataan ang mga Vietnamese habang ilegal na nangingisda sa karagatan, 32 nautical miles ng Bolinao, na bahagi ng teritoryo ng Filipinas.

Ayon kay Nato, hinabol nila ang mga Vietnamese na nagtangkang tumakas. Nagpaputok aniya ang mga Vietnamese kaya napilitang gumanti ang naval authorities.

Ang bangkay ng dalawang Vietnamese ay dinala sa morgue habang ang dalawa nilang kasama ay inaresto at dinala sa Bolinao police. 
Sinabi ni Nato, iniimbestigahan ng Philippine National Police, Philippine Navy, at ng Department of Foreign Affairs ang insidente.



COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top