Monday , September 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Panaginip mo, Interpret ko: Lumilipad na pero inabot pa rin ng humahabol
Panaginip mo, Interpret ko: Lumilipad na pero inabot pa rin  ng humahabol

Panaginip mo, Interpret ko: Lumilipad na pero inabot pa rin ng humahabol

Gd mwning Señor,

Nanagnp aq na lumlpad kc my humahabl skn tapuz lge dn aqng naabot ng humahabol skn. I’m Jonel Rino ng Cbuyao.
(09076339706)

To Jonel,

Kapag nanaginip na ikaw ay lumilipad, ito ay may kaugnayan sa sense of freedom na noong una ay inaakala mong wala kang kalayaaan o kaya naman ay limitado lamang.

Dapat pahalagahan at ingatan ang magagandang kapalaran na dumarating sa iyo, upang hindi makalagpas sa iyo ang grasya at huwag masayang ang oportunidad na abot-kamay mo na. 

READ MORE:  Panaginip mo, Interpret ko: Malaking daga sa dream

Ipagpatuloy ang pagsisikap at pagtitiyaga, upang ang inaasam mong tagumpay ay makamit at magkaroon ng katuparan. Maaari rin namang sa kaso mo, ito ay isang sagi-sag ng kagustuhang makatakas sa mga bagay na kinatatakutan o mga bagay o taong gustong iwasan.

Ngunit mas makabubuting imbes iwasan ay harapin ang mga ganitong sitwasyon o suliranin upang matuldukan ito.

Ang panaginip na ikaw ay hinahabol ay nagpapakita na iniiwasan mo ang ilang sitwasyon na sa palagay mo ay hindi mo mapagtatagumpayan o kaya naman ay wala kang mahihita o mapapakinabangan. 


Ito ay maaari ring isang metaphor para sa ilang uri ng insecurity. Partikular, kapag hayop ang humahabol sa iyo, ito ay nagre-represent ng iyong unexpressed at unacknowledged anger na nabibigyan ng projection.

READ MORE:  Remote-controlled contraceptive microchip available na sa 2018

Alternatively, maaaring ito ay nagpapakita rin ng pagtakbo o pag-iwas mo mula sa primal urge o fear. Dapat mong pag-aralan at makayanang harapin ang mga ganitong bagay, upang magkaroon ng closure at ikaw naman ay makapagmove-on na. 

READ MORE:  Ang Ganador (Sa Mundong Parisukat ng Tao) (Part 23)

Sa kabilang banda, kung madali kang mahabol ng humahabol sa iyo, posibleng nagpapakita rin ito ng iyong kakulangan sa self confidence at iniisip mo marahil ang superiority ng mga kalaban mo o kasabayan sa trabaho o negosyo.

Dapat patatagin ang iyong self confidence at dapat na maging maingat sa mahahalagang desisyon na gagawin at huwag maging padalos-dalos.

Señor H.



COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved