Saturday , June 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Loisa, nag-make face nga ba kay Joshua?
Loisa, nag-make face nga ba kay Joshua?

Loisa, nag-make face nga ba kay Joshua?

TINANONG namin Loisa Andalio kung totoo ba na nag-make face siya habang papasok si Joshua Garcia at sumisigaw ang mga faney ng Joshua sa ASAP Chillout.

“Hindi po ako nag-ganoon (make face) noong time na ‘yun. Siguro, hindi lang nila naintindihan po,” pagtanggi niya.

“Sa akin po kasi..’yung make face parang ang kinakausap ko kasi noon ay si Jerome (Ponce), and ‘yung fans. Close kasi ako sa fans ko talaga. Sila ‘yung parang ‘weeh…weeh,’ ginaganoon ko sila. Pero hindi ‘yung fans nila na nandoon,” paliwanag niya.

Ano ang nararamdaman niya na naiintriga na naman sila ni Joshua na kasama niya ngayon sa seryeng The Good Son?

“Wala namang problema sa akin ‘yun basta ako po ginagawa ko ‘yung work ko,”sambit niya.

Nag-usap ba sila ni Joshua after ng isyu sa kanila?

“Wala naman pong dapat pag-usapan kasi okey naman kami. Wala naman pong problema sa amin,” tugon niya.

Wala namang problema sa kanila sa set ng The Good Son.

“Work..work..work po kami,” hirit pa ni Loisa.

Okey ba sa kanya na ka-loveteam na ni Joshua si Julia Barretto?

“Opo naman. Happy po ako sa success ng loveteam po nila,” reaksiyon pa niya.

Pero sa The Good Son na magsisimula na sa September 25 sa Primetime Bida ngABS-CBN 2 ay may love triangle kina Loisa, Joshua, at Jerome Ponce. Ito ang pangalawang pagsasama ng tatlo pagkatapos ng seryeng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita?

Napanood na namin ang tatlong unang episodes ng The Good Son at masasabi naming isang obra na naman ang nagawa ng Dreamscape Entertainment Inc., na tiyak na tututukan. Sobrang ganda, hindi mo bibitawan. Grabe ang aktingan at pagalingan nina Eula Valdez, Mylene Dizon, Albert Martinez, John Estrada,Joshua, Nash, Jerome, at Liza Lorena.

Kasama rin sa cast sina McCoy De Leon, Elisse Joson, Alexa Ilacad, Ronnie Lazaro, Jeric Raval, Alex Medina, Kathleen Hermosa. Ito ay sa ilalim ng direksiyon nina Manny Palo at Andoy Ranay.

Ash Ortega,
binigyan
daw ng kotse
ni Willie

TINATAWANAN na lang ni Willie Revillame ang isyung nili-link siya sa kanyang co-host sa Wowowin na si Ash Ortega. Bunso nga ang tawag sa kanya ng staff ng show at ni Willie.

Itinuturing din ni Ash na kuya, tatay, at parang bestfriend si Willie.

Parang anak din kung ituring ni Willie si Ash kaya nagugulat din siya kung bakit nagkakaisyu sa kanila.

Hindi naman bago ang ganyang isyu dahil lahat ng close na babae kay Willie ay iniintriga sa kanya.

Pati ang bagong sasakyan ni Ash ay naiisyu na bigay umano ng matulunging TV host. Pumalag naman ang young actress dahil siya ang bumili niyon.

Hindi naman apektado si Ash sa isyu sa kanila ni Willie. Handa na siya sa ganyang mga intriga kaya tinatawanan lang niya.
Talbog!

Jerico,
interesadong
ligawan
si Sanya

LEADING lady ni Jerico Estregan sa Amalanhig ang Kapuso star na si Sanya Lopez. Bakit hindi niya niligawan si Sanya?

“Huwag muna. Busy kasi siya, eh,” pakli  ni Jerico na tumatawa.

Gusto ba niya ang tipo ni  Sanya?

“Ayos lang…Mabait naman siya. I’m not sure kung may boyfriend siya. Totoo ba ‘yun? Sino bang binabalitang love niya?,” tanong ni Jerico.

Mukhang interesado siya kay Sanya?

“Ayos lang. We’re friends. He!he!he!,” tugon pa niya.

Showing na ang Amalanhig sa ilalim ng direksiyon ni Jun Posadas. Ito’y mula sa Viva Films at VicVal Blue Sapphire Production. Alamin ang misteryo sa pelikulang ito at paghahasik ng lagim.

Pak!

Shyr,‘di
naghangad
na magkaroon
ng billboard

HAVEY si Shyr Valdez dahil aktibo pa rin at hindi nawawalan ng serye. Bukod dito, endorser din siya ng BeauteDerm na ang owner and CEO ay si Ms. Rhea Tan (Rei Ramos Anicoche Tan).

Puring-puri si Shyr ni Ms. Rhea dahil hindi ito naging maramot para ibigay niya siSylvia Sanchez na maging ambassador ng produkto.

Bakit hindi siya nag-demand ng billboard tutal siya naman ang nag-endorse kay Sylvia?

“No, kasi sa akin, hindi naman ako malaking artista para mag-aspire ako ng ganyan. I’m already contented for what I am. Hindi ko kailangang maghangad at kailangan ilagay mo ako sa billboard kasi artista ako. Hindi naman ako ganoon,”tugon niya.

“Oo, mayroon akong mga follower pero ang kailangan ni Rei ay mas malalaking pangalan. ‘Yun kasi ang hahatak talaga. Nandoon ako sa realidad na alam ko na mas maraming puwede pang makatulong sa kanya in a way na mas magiging beneficial for her company,” paliwanga pa ni Shyr.

Masaya siya at kuntento kung saan siya nakalugar sa naturang produkto. Nakalagay naman siya sa mga flyer pero ‘yung billboard, gusto ni Shyr makuha ni Ms. Rhea ‘yung worth ng gastos niya. ”Ang importante kasi sa artista, alam mo kung saan ka nakapuwesto,” sambit pa niya.

Pak!

TALBOG
ni Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved