Friday , February 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Cora Waddell, sobrang happy sa kanyang showbiz career

Cora Waddell, sobrang happy sa kanyang showbiz career

ITINUTURING ni Cora Waddell na dream come true ang mga nangyayari sa kanyang showbiz career. Ipinahayag din ng magandang newcomer na binago ng PBB ang buhay niya, for the best.

Wika ni Cora, “My showbiz career so far is a dream come true. I didn’t expect to have it, to have more than what I’ve dreamed of, it’s very humbling.”

Parang nanaginip ka ba hanggang ngayon?

Nakangiting sagot niya, “Hindi pa ako gumigising e, nakalutang pa rin ako sa langit, I’m still floating on the clouds. Ayun, it’s been one year na since PBB, since nag-umpisa ‘yung season namin and sobrang bilis ng taon na ito kasi sobrang saya ko. When you’re happy, time flies.”

After niyang mag-PBB, pinapirma si Cora ng kontrata ng Regal Films at unang pelikulang ginawa niya ang Woke Up Like This nina Vhong Nacarro at Lovi Poe. Tapos ay lumabas siya sa TV series na Pusong Ligaw sa ABS CBN. Mayroon din siyang bagong teleserye na hindi pa puwedeng banggitin.

Sa next movie naman ng tisay na aktres ay bida na siya, si Cora ang leading lady ni Christian Bables sa pelikulang Recipe For Love na pinamahalaan ni Direk Joey Reyes. Nang naging leading lady ka na ni Christian, ano’ng na-feel mo?

“Sa Recipe for Love, iyon ‘yung Cinderella moment ko talaga, I was… masaya na akong makasama sa isang pelikula, pero noong sinabi nila sa akin na eto na, you’re gonna be a leading lady, halos gusto ko nang umiyak, ‘di ako makapaniwala na nangyayari ito. Siyempre ‘di ko na ine-expect kung gaano kahirap maging leading lady. You have to work in everything, very few scenes na wala ka roon, it’s a lot of work pero sobrang gratifying ‘yung experience na kailangan ko talagang matuto, sink or swim na iyon, e.”

Jemina Sy,
bilib sa galing
ng komedyanteng
si Empoy Marquez

LALONG ginanahan sa kanyang showbiz career si Jemina Sy dahil sa award na natamo bilang Most Promising Indie Actress mula sa Gawad Sining Short Film Festival 2017. Ang natamo niyang award ay para sa Bubog na gumanap siya bilang informer ng mga drug pusher. Ang pelikula ay pinamahalaan ni Direk Arlyn dela Cruz at tinampukan nina Elizabeth Oropesa, Julio Diaz, Juan Rodrigo, Jackie Lou Blanco, Allan Paule, Jak Roberto, at iba pa.

“Happy at flattered ako dahil kahit paano ay napansin ang talent ko kahit bago pa lang ako sa showbiz industry at ibang industy ang kinamulatan ko. Dahil dito, mas ganado akong sumabak sa acting ngayon. Thank you for recognizing my talent as an actress, hahaha!” Nakatawang pahayag niya.

Ano ang reaksiyon niya sa sinabi ni direk Arlyn na mas humuhusay na siya bilang aktres? “Siyempre happy na carry ko na rin talaga siya, considering na wala akong mga workshop naman before ng acting, e, never pa akong nag-workshop sa acting.”

Samantala, ipinahayag din ng lawyer-actress ang kanyang pagkabilib sa komedyanteng si Empoy Marquez. Si Empoy ang bida sa pelikulang The Barker na mula naman sa pamamahala ng veteran-comedian na si Dennis Padilla. “Magaling siya, magaling na komedyante si Empoy. Kasi sa itsura pa lang niya, nakakatawa na talaga. I think si Empoy is one of the rising comedians natin ngayon. I think very promising na rin siya na maging Comedy King of the Philippines,” aniya.

Parang leading lady ka na rin daw ni Empoy Marquez sa The Barker? Mabilis na sagot ni Atty. Jemina, “Ay hindi ‘no! hahaha! Ang leading lady ni Empoy ay si Shy Carlos. Supporting lang ako rito, ako iyong may-ari ng jeep and brother ko si Gary Lim. Abangan n’yo ang movie na ito, nakakatuwa kasi talaga e, habang nagsu-shooting kami, tawa nang tawa kami, enjoy siya, enjoy katrabaho ang casts at si Direk Dennis.”

Ano ang masasabi mo kay Dennis bilang direktor? “Okay naman siya, magaling siyang director at very professional. Hindi siya mahigpit at ka-vibes ko naman siya, close na kami ni Direk Dennis, e, hahaha!” Nakatawang wika niya.

Bukod sa pelikulang Recipe for Love at Immaculada, Pag-ibig Ng Isang Ina, mayroon din siyang radio-TV show na Legally Yours, Jemina sa DZIQ every Sat., 10:30-11 pm, na posibleng magsimula na ngayong September.

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved