Friday , October 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Andrea, nilisan ang Triple A; Marian, tuloy pa rin sa pagtalak sa dalaga
Andrea, nilisan ang Triple A; Marian, tuloy pa rin sa pagtalak sa dalaga

Andrea, nilisan ang Triple A; Marian, tuloy pa rin sa pagtalak sa dalaga

UMALIS na sa bakuran ng Triple A Productions  ang maganda, sexy, at mabait na Kapuso actress na si Andrea Torres at ang Artists Center na ng GMA 7 ang solong humahawak sa career niya.

Ang rason ng pag-alis ni Andrea sa Triple A ayon na rin sa balita ay ang sobrang pagseselos ni Marian  Rivera dahil ito ang leading lady niDingdong Dante sa serye niya.

May insidente ngang tinalakan ni Marian si Andrea kaugnay sa walang basehan nitong pagseselos. At dahil edukada ay ‘di na lang pinatulan ni Andrea ang drama ni Marian at masasakit na salitang ipinukol sa kanya, bagkus ay nagdesisyon na lang na lisanin ang management na pareho nilang kinabibilangan ni Marian.

After nga ng talakan incident ay mas pinili na lang ni Andrea na manahimik, pero may mga taong nakaaalam sa pangyayari at concern kay Andrea na nagkuwento ng tunay na pangyayari.

1,709 mga bisita,
dumalo sa 5th birthday
ng kambal ni Cruz

BONGGA at napaka-enggrande ng 5th birthday celebration ng unang twins ng Lord of Scents na si Joel Cruz, CEO/President ng Aficionado Germany Perfume na ginanap sa Kidzania. Ginawa ang kaarawan nina Prince Sean & Princess Synne Cruz last September 10.

READ MORE:  Birdshot ni Mikhail Red, espesyal at naiiba

Maaalalang September 4, 2012 ipanganak sa Moscow, Russia ang unang twins ni Joel via IVF. At ngayon ay nag-aaral ang kambal sa isang British school.

Hindi lang ang mga bata ang nag-enjoy sa rami at educational activities sa Kidzania na masasabi naming kulang ang isang araw na pag-stay at paglibot.

Dumalo  sa birthday ng kambal ang halos 1,709 katao na mula sa mga pamilya ni Cruz, empleado ng Aficionado kasama ang anak, business networks, at diplomatic community at celebrities mula kina Pops Fernandez, Ram Nievera, Angeli Pangilinan kasama ang mag-asawangPaolo Valenciano, Sam Godinez at apong si Leia (hango sa Star Wars movie), ang  inspirational diva Jamie Rivera, Cory Quirino, Johnny Litton, dancing diva Becky Garcia, Token  Lizares, Nicole Hyala at anak na si Princess, Janna Chu Chu ng DZBB kasama ang Ppop Prince of Dance Floor na si Klinton Start.

READ MORE:  New singer Macoy Mendoza wows audience!

Dumalo rin sina Boobsie Wonderland ng Sunday  Pinasaya, Asia’s Diva Dulce na nag-alay ng dalawang awitin, Aficionado endorsers na sina Jason Abalos, Xyriel Manabat, Hashtag Bugoy Cariño, Stars on 45 na sina Haydee Mañosca at Gem Mascariñas, Foreignoy Aisaku Yokogawa, Ballet Phils scholars ni Margie Moran at ang mga character ng Kidzania.

Sa Kidzania ginanap ni Cruz ang kaarawan nina Prince Sean at Princess Synne dahil mas mag-eenjoy ang mga ito at lahat ng mga guest na bata sa rami ng activities na puwedeng gawin at matututuhan.

Kompleto ang tatlong sets ng twins ni Cruz na ayon sa Lord of Scents ay ang kanyang mga Angels at rason kung bakit siya sobrang masaya at ang mga ito nga ang kumompleto ng kanyang buhay.

Ppop Group,
pumirma
ng kontrata
sa Ysa

PUMIRMA ng one year endorsement contract sa leading skin clinic sa bansa, ang Ysa Skin And Body Experts ang ilang miyembro ng Ppop Group and Internet Heartthrobs.

READ MORE:  Aljur, nagmano na kay Robin

Kinabibilangan ito ng Infinity Boyz—Vince, JC, RJ, Algene, at Mon; , X3M—Juancho, Velmore, at Ericson, Klinton Start (Ppop Prince of the Dance Floor), Jhustine Miguel (Ppop Matinee Idol) , AJ Ledesma (Ppop Prince of Pop), at Ron Mclean (Ppop Prince of Pop Rock)

Thankful ang Ppop Group sa mabait at very generous owner ng Ysa Skin and Body Experts na sina Robert at Sheila Nazal at sa masipag na Marketing manager na si Anne Navarro.

Mapapanood ang Ppop Group sa isang show sa September 23, Saturday, 4:00 p.m. sa Ali Mall, Araneta Center, Cubao, Quezon City sa pakikipagtulungan ng Ysa Skin and Body Experts, Myphone, Aficionado Germany Perfume, New Placenta, RMess Salon and Bangs Tony and Jackey Salon. Makakasama ng grupo ang Ppop Princess of the Dance Floor na si Christine Feliciano, hosted by DZBB Walang Siyesta anchor Janna Chu Chu.

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved