Saturday , June 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sexy actress, sising-sisi sa mga alahas na binili kay retired actress
Sexy actress, sising-sisi sa mga alahas na binili kay retired actress

Sexy actress, sising-sisi sa mga alahas na binili kay retired actress

NAPAGBENTAHAN din pala ng isang retired actress ang dating sexy actress na ito ng mga mamahaling alahas, pero nang pansinin namin ang mga ito na suot-suot niya, “Yes, mamahalin nga pero tinaga naman ako sa presyo, ‘no!”

Isang set na may mga kumikinang na diyamante ang halos bumalot na sa katawan ng dating sexy star, “Naku, noong ipauri ko ‘tong mga suot-suot kong ‘to, naloka ako! Sobrang pagkamahal-mahal ng bili ko, pero ang totoo pala, murayta (read: mura) lang!” Pero aral daw ‘yon sa kanya. Never na siyang bibili ng mga tindang alahas ng masyoray ding ex-actress.

“I’ve learned my lesson. The next time na may ialok uli siya sa akin, eh, wa na ‘ko buy ng jewelry niyang tsipangga naman pala ang price! No wonder kung bakit ganoon na lang kalaki kung tubuan niya ‘yung mga paninda niya…bukod sa wala na siyang karir, eh, siya pa ang nagpapakain sa pamilya niya!”

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved