Sunday , October 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Janella ipinagtanggol ang ina, ‘di totoong ‘di gusto si Elmo
Janella ipinagtanggol ang ina, ‘di totoong ‘di gusto si Elmo

Janella ipinagtanggol ang ina, ‘di totoong ‘di gusto si Elmo

BINAGYO man, natuloy pa rin ang contract signing ng teen superstar na si Janella Salvador noong Martes ng tanghali sa Valencia Events Place.

Tatlong taong movie contract muli ang pinirmahan ng aktres na dinaluhan nina Mother Lily at anak na si Roselle Monteverde-Teo at manager ng aktres na si Manny Valera ang pirmahan.

Naging instant TV sensation si Janella sa matagumpay na teleseryeng Be Careful With My Heart ng ABS-CBN2. Umani siya rito ng award mula sa PMPC Star Awards at FAMAS na sinundan ng series na Oh My G at iba pang TV appearances sa Dos.

Ang mag-inang Mother Lily at Roselle ang nagbigay sa kanya ng big screen break sa pamamagitan ng Haunted Mansion, isa sa top grossers ng 2015 Metro Manila Film Festival.

Kuminang muli ang TV career ni Janella nang ipareha kay Elmo Magalona sa musical drama na Born For You at nag-reunite sila ni Richard Yap sa Mano Po noong 2016. Nagbiday muli sila ni Elmo sa teen horror-flict na Bloody Crayons. Bukod sa pag-arte, namayagpag din ang singing career niya matapos mag-landing sa third place ang kanta niyang Mahal Kita Pero. Ang unang self-titled album under Star Music ay naging number one nationwide na umabot sa platinum status. Pinili rin siya ng Hong Kong Disneyland para maging kinatawan ng ‘Pinas sa pagkanta ng 10th anniversary theme song ng theme park titled Happily Ever After na kasama sa self-titled limited edition album niya.

READ MORE:  Sin Island at My Fairy Tail Love Story, ‘di nagpatinag sa Black Panther 

Ngayong taon, kinasasabihan na ang bagong movie niya, ang My Fairy Tail Love Story na muli niyang kasama si Elmo. Isang kakaibang love story-romance ito ng isang tao at isang sirena na handog pa rin ng Regal Entertainment.
Nabulabog nga agad ang social media nang inilabas ang teaser nito.

Bukod sa My Fairy Tail Love Story, marami pang nakalinyang projects para sa teen actress.

Samantala, itinanggi niya ang lumalabas na balitang hindi gusto ng kanyang inang si Jenine Desiderio si Elmo para sa kanya.

Giit ni Janella, over protective lamang ang kanyang ina sa kanya tulad ng ibang mga magulang sa kanilang mga anak.

Aniya, hindi totoong ayaw ng kanyang ina kay Elmo. “I think ang problem lang talaga is mothers are really protective when it comes to their children so kung sino man ang lumapit diyan, gusto lang nila i-make sure na worthy and all,” paliwanag ng batang aktres.

Nang tanungin naman kung nanliligaw na nga ba si Elmo sa kanya, anito, ‘hindi pa’.

Sinabi pa ni Janella na ine-enjoy nila kapwa ni Elmo ang pagiging magkaibigan. Bagamat importante sila sa isa’t isa, hindi naman sila nagmamadali at prioridad nila ang kanilang trabaho.

Idinagdag pa ng dalaga na walang label ang pagiging close nila.

Jerico, gustong malinya
sa paggawa ng action;
Huhusgahan sa Amalanhig

KAHANGA-HANGA ang disiplina sa katawan ng ikatlo sa anak nina dating Governor ER Ejercito at Pangasinan Mayor Maita Sanchez, si Jerico. Kaya naman hindi kataka-taka kung napili siya bilang Head Coach ng Nike+ Run Club Manila simula noong June 2015 hanggang sa kasalukuyan.

READ MORE:  MJ Marfori, bagay maging artista

Brand ambassador din siya at coach ng Color Manila Challenge na siyang nagtuturo sa mga tumatakbo ng tamang training bago at pagkatapos tumakbo.

Head Coach, Nike+Run Club Local Run din siya at member ng DLSU Men’s Track & Field Varsity Team. Bago itoý nagwagi siya sa 8th Asia Pacific 2017 International BodyBuilding & Fitness Championship at marami pang iba na kung babanggitin naming lahat ay napakahaba na ng aming artikulo ukol sa kanya.

Anyway, naikuwento sa amin ni Jerico na araw-araw ay hindi niya kinalilimutan ang mag-exercise o tumakbo kahit abala siya sa shooting o anumang trabaho. “Basta kung maaga ang call time mas aagahan ko pa ang exercise o kaya naman ay sa gabi,” anito na nang hingan naming ipakita ang abs na pinaghirapan niyaý hindi naman ipinagkait sa amin.

Tunay na ehemplo si Jerico sa pagpapaganda ng katawan at disiplina sa mga tamang kinakain.

At sa magandang pangangatawan, tama lamang na malinya nga siya sa action tulad ng kanyang amang si dating gobernador ER na pawang mga action film din ang ginagawa. Ito rin naman ang gusto niyang tahakin. Kaya tiyak na mabubuhay at magiging masigla na naman ang action film sa pagpasok ni Jerico.

Nakalabas na si Jerico sa Ben Tumbling, Asiong Salonga, General Emilio Aguinaldo, Muslim Magnum 357, Across the Crescent Moon at Mandirigma. At ngayon, bida na siya sa Amalanhig na handog ng Viva Films at VicVal Blue Sapphire Productions na mapapanood na sa Setyembre 20 at idinirehe ni Gorio Vicuna.

READ MORE:  Janella Salvador muntik mabosohan! (My Fairy Tail Love Story, showing na ngayon!)

Ayon kay Jerico ang Amalanhig ay half human-half creature, na orihinal na nagmula sa mythology folklore na napunta sa Panay island. “It tends to be vampire because of struggle and depression,” anang binate.

Bukod sa pagiging actor, tumulong sa editing, visual effects, sequences ng events si Jerico dahil aniya, “we’re not totally satisfied sa una kaya we had to helped out sa paggawa ng pelikula. Sabi nga ng parents ko in doing movie, try to make the best, try to make some quality.”

Gagampanan ni Jerico ang isang college student na gustong tuklasin kung totoo ang Amalanhig kaya nagpunta sila ng kanyang mga kaklase sa probinsiya kung saan ito nagmula.

Bagamat maganda ang pangangatawan ni Jerico, hindi naman iyon nagamit para ipakita dahil wala siyang eksenang naka-top less. “Üsually ang mga eksena ko nakasando pero it’s a fit sando so, I think my physique here is maipakikita. At saka when it comes to horror or action films this is one way to show masculinity,” anito.

Bukod sa Amalanhig, marami pang proyektong nakapilang gagawin ang batang actor na pawang mga action film.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved