Thursday , February 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Hoax email ng pinsan ng Pasay barangay chairman ‘ginamit’ sa black propaganda
Hoax email ng pinsan ng Pasay barangay chairman ‘ginamit’ sa black propaganda

Hoax email ng pinsan ng Pasay barangay chairman ‘ginamit’ sa black propaganda

DESMAYADO ang detractor/s ni Pasay barangay chairman Ronnie Palmos dahil maging ang pangalan ng kanyang pinsan ay ginamit para siraan siya sa publiko.

Bukod sa pinsan ni Chairman Ronnie, idinamay pa ang kolum ng inyong lingkod para lumabas na kunwari ay totoo ang kanyang akusasyon.

Ginamit ng suspek ang pangalan ng pinsan ni Chairman na si Eric Palmos at ginawaan ng isang pekeng email address saka nag-email ng sumbong/reklamo sa ating kolum na Bulabugin. Ilang beses itong ginawa ng suspek. Sa huli, ipinatago pa ang kanyang ‘email’ kunwari para sa kanyang kaligtasan.
Pero sorry na lang dahil nabisto ang gimik nitong detractor ni Chairman Ronnie.

Buking!

Sa bahagi ng inyong lingkod, humihingi tayo ng paumanhin dahil nagamit tayo ng mga taong nagpapanggap na nagmamalasakit pero sa totoo lang ay mayroong ulterior motive sa pamomolitika.

Bukas, abangan po ninyo at ilalathala natin ang liham ni Chairman Palmos.

Sa iyo, Chairman Palmos, nawa’y dumami pa ang mga kagaya ninyo sa serbisyo publiko.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved