Tuesday , September 26 2017
Breaking News
You are here: Home / News / Pastor binistay sa harap ng chapel
Pastor binistay sa harap ng chapel

Pastor binistay sa harap ng chapel

TODAS ang isang pastor na sinasabing aktibo sa kampanya kontra ilegal na droga, makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa harap ng chapel sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Hindi umabot nang buhay sa Dr. Jose N. Rodriguez Hospital ang biktimang si Dick Sabado, 36, ng St. Michael St., Administration Site, Brgy. 186, sanhi ng mga tama ng bala sa katawan. Ayon kay Caloocan police chief, Senior Supt. Jemar Modequillo, dakong 7:00 am, nasa harap ng Jesus Christ The Highest Chapel sa Purok 2, Brgy. 185, Malaria, ang biktima nang lapitan ng suspek at siya ay pinagbabaril.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy ang pagkakilanlan ng suspek at ang motibo sa pagpatay sa biktima.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
}