Categories: Opinion

Kampana para sa mga paring makasalanan

Share

MATINDI ang naging panawagan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle nitong nakaraang linggo para sabay-sabay na patugtugin ang kampana ng Archdiocese of Manila, bilang pahiwatig nang maigting na pagtutol ng Simbahang Katolika sa mga drug-related killings sa bansa.

Ang panawagan ay para sa binubuo ng Archdiocese of Manila na sumasakop sa Maynila, Makati, Pasay, San Juan at Mandaluyong. Matindi ang kanyang panawagan na sumisimbolo rin sa pagkondena sa drug-related killings.

May tila patama pa sa gobyerno ang kanyang pastoral letter na inisyu at sabihing: “We cannot allow the destruction of lives to become normal. We cannot govern the nation by killing. We cannot foster a humane and decent Filipino culture by killing.” Oo, may punto at nakikiisa naman talaga sa panawagang ito ang Arsobispo ng Maynila. Ngunit ang tanong ay kung ginawa rin ba ng mga opisyal ng simbahan ang magkaroon ng matinding panawagan laban sa kanilang mga kabaro na naging sentro rin ng samot-saring kontrobersiya?

Narinig ba natin ang simbahan na nananawagang patutugtugin nang sabay-sabay o sunod-sunod ang kanilang mga kampana para kondenahin ang mga paring rapist, sugarol, corrupt at sabit sa kung ano-ano pang uri ng iregularidad?

Hindi kaya namimili lang ang simbahan sa mga kontrobersiyang kanilang sasawsawan at kung hindi ito naaayon sa kanilang interes ay hindi sila kikibo at walang matinding hakbang na gagawin?

Mabuti sigurong guwardiyahan muna ng Simbahan ang kanyang mga pari, alagad at mga opisyal bago tuluyang makisawsaw sa isyu ng bayan.

– Editorial –

hataw tabloid

Published by
hataw tabloid

Recent Posts

2019 DPWH budget punong-puno ng grasya?

SABI nga, nang magbuhos daw ng grasya ang mga diyos-diyosan sa kongreso ng pagkakakuwartahan, napuno ng biyaya ang pinamumunuang ahensiya… Read More

4 hours ago

2019 DPWH budget punong-puno ng grasya?

SABI nga, nang magbuhos daw ng grasya ang mga diyos-diyosan sa kongreso ng pagkakakuwartahan, napuno ng biyaya ang pinamumunuang ahensiya… Read More

4 hours ago

Ginang nagpatotoo sa maraming benepisyo ng paggamit ng Krystall products

Dear Sis Fely Guy Ong, Ito po ang patotoo ko sa paggamit ko ng Krystall Herbal Products: Ang pagbaba ng… Read More

5 hours ago

Digong kabado sa alyansa ng simbahan at sambayanan

NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapi­gi­lan ang Simbahang Kato­lika na makipag-ugna­yan sa samba­yanang Filipino para tuldukan ang kanyang malupit… Read More

18 hours ago

56-anyos retirement sa gobyerno aprub sa Kamara

ISA tayo sa mga natuwa nang aprobahan ng Kamara (206 affirmative votes) sa third and final reading ang panukalang pababain… Read More

1 day ago

56-anyos retirement sa gobyerno aprub sa Kamara

ISA tayo sa mga natuwa nang aprobahan ng Kamara (206 affirmative votes) sa third and final reading ang panukalang pababain… Read More

1 day ago