Friday , April 26 2024
blind item

Komedyante, ‘di marunong tumanaw ng utang na loob

MAY mga thoughtless talagang artista.Ito ang napagtanto ng isang malapit na showbiz friend patungkol sa isangkomedyante na pagkatapos niyang irekomenda para magbida sa isang pelikula ay hindi na nakaalala.

“Kung tutuusin, ako ang nag-recommend sa produ na siya ang kunin sa remake ng isang comedy film. Inilaban ko talaga ang talent fee niya. In fairness naman kasi, mahusy siya. Swak na swak siya sa karakter na bibigyang-buhay niya,” paunang kuwento ng aming kausap.

Pero hindi maiwasang hindi makaramdam ng tampo ang aming source,”Mula noong gawin niya ‘yung movie hanggang sa kausap mo ‘ko, ni hindi man lang siya tumatawag o nagte-text para mangumusta man lang. Huwag na ‘yung regaluhan niya ‘ko, ang akin lang naman, eh, makaalala siya.”

Hindi na bago ang kawalan ng pagtanaw ng komedyanteng ito. Noong kasagsagan ng kinasangkutan niyang eskandalo ay marami ang dumepensa sa kanya, ”Ni isa ba roon sa mga nagtanggol sa kanya at naniniwalang walang katotohanan ang ibinibintang sa kanya, eh, pinasalamatan man lang ba niya? Hay, naku!”

Da who ang komedyanteng ito na magaling lang kung may pakinabang siya sa mga tao? Itago na lang natin siya sa alyas na Bongbong Amparo. 

(Ronnie Carrasco III)

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *