Wednesday , October 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Boobsie Wonderland, masayang nakabalikan ang asawa
Boobsie Wonderland, masayang nakabalikan ang asawa

Boobsie Wonderland, masayang nakabalikan ang asawa

NAGDIWANG ng ika-41st birthday ang mahusay na Komedyanang si Boobsie Wonderland na ginanap noong September 6 sa Kamay Kainan sa West Avenue, Quezon City.

Ito ang unang pagkakataon na nakasama niya muli ang kanyang asawa sa tagal na panahon na nagdiwang siya ng kaarawan. (Maaalalang matagal din silang naghiwalay at ngayon ay muling nagkabalikan). Kaya naman maituturing niyang kompleto na siya kasama ang asawa, anak, at ibang kamag-anak.

READ MORE:  Sam Milby, aral na aral ang pagsasalita ng Tagalog

“Siyempre masayang-masaya po ako kasi dumating talaga ‘yung mga ini-expect kong tao sa buhay ko.

“Unang-una ‘yung family ko, ‘yung mga close friend ko and ‘yung nga special guest kung tawagin, isang tawag lang, isang lambing lang andyan sila.

“And this is the first time na kasama ko ulit ‘yung husband ko na birthday ko for so many years, and nagpapasalamat ako sa suporta niya.

READ MORE:  Pintor ako, ‘di exhibitionist — Jao sa kumakalat na sex video

“And of course ‘yung dalawa naming anak, so kompleto kami ngayon.

“And siyempre hindi lang ‘yun , ang nakatutuwa pa ay hindi mo sila ini-expect na magbibigay ng kung ano man ha ha ha, hindi ini-expect? Ha ha ha,” natatawang pahayag ni Boobsie.

“Marami akong natanggap mula sa mga ninong at ninang ko and thankful ako sa kanila.”

At ang birthday wish ni Boobsie, “Simple lang ‘yung birthday wish ko, good health lang sa akin, sa asawa ko, sa mga anak ko, at sa pamilya ko.

READ MORE:  Richard Yap, may demolition team na agad?

“Sana magpatuloy pa ‘yung magandang career, sana lumawak pa ang aking kaalaman sa pagpapatawa at ‘yung pag-aartista ko na rin kasi hindi pa ako masyadong nabibigyan ng drama puro comedy pa sa ngayon,” pagtatapos ni Boobsie.

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved