Tuesday , September 26 2017
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Ex-Customs commissioner pinakaaabangan ngayon sa senate investigation
Ex-Customs commissioner  pinakaaabangan ngayon  sa senate investigation

Ex-Customs commissioner pinakaaabangan ngayon sa senate investigation

FACE-OFF sa araw na ito si ex-Commissioner Nicanor Faeldon kay Senator Panfilo “Ping” Lacson sa pagpapatuloy ng pagdinig sa isyu ng P6.4 bilyong shabu na nakalusot umano sa Bureau of Customs (BoC).

Sabi nga ni Faeldon, wala siyang itinatago kaya lumagda siya sa isang waiver na puwedeng busisiin ang kanyang bank accounts.

Ibig sabihin, para kay Faeldon, hindi siya natatakot dahil wala siyang Pandora Box na puwedeng sumabog anytime. Kaya nga handa rin siyang humarap sa Senado para sa gasgas na linyang “investigation in aid of legislation.”

Kung lumagda sa waiver si Faeldon, may kakayahan din kaya ang mga nag-aakusa sa kanya na lumagda sa isang waiver para mabusisi rin ang kanilang bank accounts?!

‘Yan po ang aabangan natin ngayong araw sa Senado.

Tutok lang po, mga suki!

REKLAMO
KAY BRGY. CHAIRMAN
RONNIE PALMOS

GOOD day po! Sumulat po aq para ireklamo ang aming kapitan si RONNIE PALMOS kung bakit ‘di po inaaksiyonan ang naglipanang drug pushers sa aming Barangay 139 Zone 15 Pasay City? Hinahayaan lng na magkalat ang adik sa aming bgy lalo n sa madaling araw nag-o-operate ang mga pushers na c DODONG ang leader na inaanak ng isang brgy official kaya may proteksyon. At isa pa bakit wala man lamang proyekto ang aming bgy, san napupunta ang pondo ng brgy? Sana po ay ma-audit ang aming brgy kung paano ginagastos ang pera ng bayan. Salamat po at more power. Email add withheld upon request.

Chairman Palmos, bukas po ang ating kolum sa inyong sagot sa isyung ito.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
}