Sunday , June 24 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ang Panday, 50% tapos na; isa pang beauty queen, magiging leading lady ni Coco
Ang Panday,  50% tapos na; isa pang beauty queen, magiging leading lady ni Coco

Ang Panday, 50% tapos na; isa pang beauty queen, magiging leading lady ni Coco

KAHANGA-HANGA ang dedikasyong ipinakikita ni Coco Martin sa paggawa ng kauna-unahan niyang directorial job. Sa ngayon, 50 percent na ng ginagawa niyang pelikulang Ang Panday para sa 2017 Metro Manila Film Festival handog ng kanyang CCM Productions ay tapos na.

Bagamat mahirap ang pinagdaanan ni Coco para magampanan ang pagiging actor at director kasabay pa ng kanyang action-serye sa ABS-CBN2, ang FPJ’s Ang Probinsyano, tumalima ang Primetime King para masunod ang time frame na inihayag niya noon.

Sa mga natapos nang i-shoot ni Coco, kitang-kita ang pagka-pulido ng pagkakagawa nito na kinakitaan pa ng kakaibang execution sa mga eksena. Kitang-kita rin ang ganda at may pusong pagkakahayag ng istorya ng Ang Panday. Ayon sa interbyu sa kanya ng abs-cbnnews, aminado siyang dumaan sa apoy ng pagdidirehe ng Ang Panday dahil hindi naman talaga medaling pagsabayin ang pagiging actor at director.

Aniya, nakakalimutan niya ang pagod kapag romorolyo na ang kamera gayundin ang pagiging artista. Tila nae-enjoy nito ang pagdidirehe na humuhugot ng lakas sa tropa ng premyadong director na si Brillante Mendoza. ”’Yung mga kasama ko po sa indie bilang bagong director kailangan ko po ng gabay nila tulad nina Odie Flores, ate Nancy (Arcega, production designer).”

Sinabi rin ni Coco na madalas siyang makipag-text at makipag-tawagan kay Direk Brillante para humingi ng advise.

2 beauty queen
ang leading lady

Samantala, naikuwento naman sa amin ni Eric John Salut, ngDreamscape Entertainment, na kompirmadong 80 katao ang bumubuo ngAng Panday. Kaya ito na yata ang pinakamalaki at engrandeng entry sa filmfest.

Kaabang-abang tuloy kung sino-sino ang bubuo sa 80 cast ng Ang Panday. Bukod kasi sa naipakilala na ni Coco ang ilang artistang bubuo ng kanyang first directorial job noong story conference, gayundin ng kanyang leading lady, sinabi nitong may isa pa silang kukuning beauty queen para idagdag sa magiging leading lady niya.

Dagdag ni Coco, bukod sa websites na ginawa nila, magkakaroon din sila ng games.

Espada, gawa
ng Pozzorubio

Ipinakita rin sa interbyu ni Mario Dumaual kay Coco ang gagamiting espada ng actor na mula rin pala sa ginamit na karakter ni Fernando Poe Jr., na si Flavio.

Isang modernong version ng espada ang gagamitin ng apo ni Flavio na isasabuhay nga ni Coco.

Ayon kay Arcega, Ang Pozzorubio sword maker ang gumawa ng mga gagamitin nilang espada at ito ang kausap nila.

PLDT GABAY GURO
10TH ANNIVERSARY,
MAS PINABONGGA

SA tuwina, hindi namin maitago ang paghanga sa Gabay Guro project ng PLDT. Ito ang isa sa kapuri-puri naman talaga, lalo na’t nasa ika-10 taon na ang pagsasagawa ng adbokasiya nilang ito, ang nation-building through teacher advocacy.

Taon-taon ay ipinagdiriwang ng PLDT ang kanilang GabayGuro Foundation sa pamamagitan ng Grand Gathering na nag-iiwan ang kasiyahan sa may 20,000-member-strong-organization na binibigyan nila ng inspirasyon at handing humarap sa malalaki pang pagsubok sa field ng education.

Sa event na ito na ang mga mahal nating guro o ang itinuturing na modern heroes ay nakaka-experience ng nararapat na pagpapahalaga sa kanila, ang world-class entertainment at outstanding prizes na babago sa kanilang mga buhay. Tunay na isang daan para ipagdiwang ang maraming taong inilalaan nila at pasasalamat sa kanila na nagmumula sa bumubuo ng GabayGuro Foundation na pinamumunuan niChaye Cabal-Revilla.

Siyempre pa, hindi ito maisasakatuparan kung wala ang tulong ng Brand Advocacy head na si Gary Dujali, na siyang utak sa magandang gawaing ito. Aniya, mas espesyal ang pagdiriwang ng GabayGuro 10th year.

Kaya hindi kataka-taka kung nakakuha na ito ng mga pagkilala tulad ngGawadTanglaw, Anvil Awards noong 2016, Phil. Association of National Advertisers (PANA),  at sa Philippine Quill Awards.

At sa ika-10 taong pagdiriwang, magaganap ito sa September 17 sa Mall of Asia Arena. Asahan ang explosive celebration nito dahil darating ang mga malalaking artista at performer para magbigay kasiyahan at makiisa sa pagdiriwang sa mga guro. At siyempre hindi mawawala ang pa-raffle na para sa mga guro na ipamimigay ang dalawang house and lot, dalawang sasakyan, livelihood opportunities, gadgets at cash prizes, at marami pang naglalakihang papremyo.

Ang mga magbibigay-kasiyahan sa 10th anniversary ng Gabay Guro ay pangungunahan nina Lea Salonga, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Martin Nievera, Gary Valenciano, Jaya, Sarah Geronimo, PiaWurtzbach, Pops Fernandez, MJ Lastimosa, Andrew Wolfe, Michael Pangilinan, Jona Viray, Marian Rivera, Southborder, Jay-R, Luke Mejares, Jinky Vidal, Medwin Marfil, UP Pep Squad, at ang G-Force, at marami pang naglalakihang stars.

Naging matagumpay ang event na ito dahil na rin sa tulong ng kanilang mga sponsor tulad ng Ayala Land, Foton, PR Savings Bank, Motorlandia Philippines, Honda Motorcycle, Suzuki Motorcycle, Yamaha Motorcycle, Devant, Myphone, Telescoop, PECCA, First United Travel Inc., Enchanted Kingdom, Penshoppe, Filstar, Fly Ace, Taisho,  PLDT, Smart, Sun at TNT.

Ang GabayGuro ay mayroon ng 1,200 scholars sa iba’t ibang state colleges at universities nationwide. Mayroon na ring 300 LET passers, 496 active scholars as of August, 2016 at inaasahan ang 167 graduates sa 2017. Nakatutuwa rin na sa mga GabayGuro scholars na gumradweyt,  137 dito ay may honor—112 cum laude at 25 magna cum laude. Nakipag-partner na rin ang GabayGuro sa local government units para mapalawak pa ang teacher education.

Bukod dito, nagsasagawa rin ng training ang foundation sa 16,000 teachers. Sa ngayon, mayroon silang eight training programs para sa mga guro sa buong bansa, ito ay ang Teacher’s Treasure Chest; English Proficiency Training; Computer Literacy; Emotional Intelligence; Teacher’s Armor; Leadership Training; IT Sustainability and Literacy; at Unleashing Creativity in Teaching. Kasabay din nito ang pagsasagawa ng anti-drugs training sa mga eskuwelahan.

Ayon nga kay Ms. Revilla, ”our nation’s children depend on our nation’s teachers to lead them to the future. And this teachers’ month, GabayGuro gives tribute to those who teach the next generation of nation-builders.”

Ang PLDT GabayGuro grand tribute event ay inilaan lamang para s amga guro. Mabubukas ang gate ng 12 nn. Admission is free kailangan lamang nilang  i-like ang GabayGuro sa www.facebook.com/gabayguro.

Para sa ibang information please visit the GabayGuro official website   www.gabayguro.com, and follow them on twitter and Instagram at @PLDTGabayGuro.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved