Tuesday , September 26 2017
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / ASec. Mocha Uson dapat mag-ingat sa ‘snake pit’
ASec. Mocha Uson  dapat mag-ingat  sa ‘snake pit’

ASec. Mocha Uson dapat mag-ingat sa ‘snake pit’

DAPAT maging maingat si Presidential Communications and Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson sa nagkalat na ‘snake pit’ sa kanyang kapaligiran.

Higit na mapanganib ang ‘snake pit’ na ‘yan kaysa basher na lantaran ang pagpo-post ng kanilang kritisismo sa kanya.
‘Yung mga basher hindi nagtatago, e ‘yung snake pit?

Gaya nga nitong huling insidente na biglang bumulaga sa social media ang video clip na siya ay nagpe-perform sa Bar 360 sa Resorts World Manila. Marami ang pumuna na hindi na dapat nagpe-perform sa casino si Asec. Mocha dahil ipinagbabawal nga sa government officials and employees na magpunta sa mga ganoong klaseng lugar.

Sabi nga, buti si Asec. Mocha, nag-perform kaysa ibang government official na nagsusugal sa casino ‘di ba?!

Pero ayon na rin mismo kay Secretary Martin Andanar, ipinagpaalam ni Assec. Mocha na may pangangailangan na igalang niya ang mga kontrata na dapat pa niyang tugunan para tapusin.

Ayon kay Secretary Andanar, “Bago po pumasok si Asec. Mocha sa gobyerno, siya po ay nagpaalam sa aming opisina na kung puwede niyang i-honor ang kaniyang mga kontrata or entertainment contracts, which is, pinayagan naman namin as long as ito ay naayon sa batas at walang nalalabag.”

Klaro naman pala ang usapan nila ni Secretary Martin.

‘Yun nga lang , na-overlook lang ‘yung venue.

Hopefully, ganoon nga ang nangyari…

Anyway, kung hindi tayo nagkakamali, matapos ang kontrobersiyal na uploading ng nasabing video, nagdesisyon na si Asec. Mocha na itigil na ang kanyang mga performance sa casino.

‘Yan siguro ang pinakamainam na desisyon, Asec. Mocha. Very good ka riyan, Madam!

Alam naman ninyo na kumbaga sa puno, si Madam Asec. Mocha ay punong-puno ng bunga kaya gustong-gusto nilang pukulin ng bato.
At dahil isa na siyang government official, dapat talagang maging maingat sa mga galaw at desisyon.

Puwede naman sigurong i-manage na lang niya ang kanilang grupo. O kung magpe-perform man, gayahin niya si Aiza Seguerra na fund raising projects na lang ang kinakantahan para sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong.

Sabi nga, you cannot serve two masters at the same time. Dahil maiipit siya sa dalawa — showbiz o public service?!
Bilang public servant, klaro na kailangan ay fulltime si Asec. Mocha.

Anyway, Madam Asec., kung may ilang hindi matahimik kung paano ka pupukulin, sabihan mo na lang sila — “Eat your heart out, bleh!”

HINAING
NG AIRPORT
POLICE

GOOD pm sir Jerry, isa ako sa mga hndi pinalad na ma-promote after serving 15 yrs sa airport police. Mukhang niyari ang promotion. Ilan sa mga na-promote ay kilalang nangongolorum. ‘Yun iba magaling lang sumipsip sa taas. Kaming tunay na ngtatrabaho at nagmamalasakit sa airport nganga! Nkk-demoralized talaga. Pls don’t publish my number.

+63917928 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

 

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
}