Tuesday , September 26 2017
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Extrajudicial killings dapat resolbahin ng law enforcer agencies
Extrajudicial killings dapat resolbahin ng law enforcer agencies

Extrajudicial killings dapat resolbahin ng law enforcer agencies

NAALALA ko ang akdang Missing: The Execution of Charles Horman ni Tom Hauser na isinalin sa pelikula ng Greek filmmaker na si Costa-Gavras noong 1982.

Istorya ito ni Charles Horman, isang batang-batang American journalist na pinatay sa ilalim ng diktadura ni Augusto Pinochet. Si Charles Horman ay biktima ng mga sundalo ng puppet na rehimen ni Pinochet.

Direktang utos man o hindi ni Pinochet ang pagpatay sa mamamahayag na si Horman, naging mitsa ito para lalong lumakas ang social unrest laban sa namamayaning diktadura. Mismong Estados Unidos ay nagalit at iyon ang naging mitsa ng pagbagsak ng diktadurya ni Pinochet. Naalala natin ang istoryang ito, dahil sa magkakasunod na insidente ng pamamaslang sa tatlong kabataan — kay Kian Loyd delos Santos, 17; Carl Angelo Arnaiz, 19; at Reynaldo de Guzman, 14.

Sabi nga ng mga taga-urban poor community hindi mukhang tokhangin ang tatlo pero bakit naging biktima sila ng karumal-dumal na pamamaslang?!

Maraming nagalit sa paraan kung paano pinatay sina Kian Loyd at Carl Angelo pero mas marami ang nagalit, nagmura, at tumulo ang luha at uhog nang mabunyag sa publiko na 30 beses sinaksak ang yayat at batang katawan ng 14-anyos na si De Guzman.

Gawa ba ito ng mga pulis na pumatay kay Kian Loyd at Carl Angelo?!

READ: Binatilyong kasama ni Arnaiz natagpuang patay sa Nueva Ecija (May 30 saksak sa katawan)

Puwedeng gawin ito ng isang tao na may bulkan na nagngangalit sa dibdib. Pero anong bagay ang nagbigay nang ganitong klase ng galit sa killer ni De Guzman para paulit-ulit siyang saksakin?!

Kulang na lang ay gutayin ang kanyang mura at yayat na katawan.

Tao ba o hayop ang gumawa nito!?

Extrajudicial killings (EJKs) ang politically correct term na ginagamit ngayon sa ganitong pagpaslang.

READ: Kabataang matitino target ng ‘uniformed-vigilantes (Bahagi ng destab)
READ: Digong bumanat: ‘Piyok’ sa EJKs ‘misyon’ ni Risa
READ: EJKs ‘bala’ sa 2019 polls (Ikakarga sa drug war) — Santiago
READ: EJK cops kalaboso kay Duterte

At ang terminong ito ay nilalaro-laro ngayon ng mga political monster.

Sa ganang atin, higit na nakaaalarma rito ang tila pagpapalit ng estilo ng mga killer.

Mula sa mga dating tulak o lulong sa droga na itinutumba ng mga maskarado at naka-motorsiklong killer, mga kabataang may matinong records naman ngayon ang pinapaslang. Sa mga napapaslang na tulak o lulong sa droga, hindi nakalikha ng malaking apoy ang mga political monster bagkus maraming mamamayan ang natutuwa dahil naging payapa ang kanilang komunidad.

Pero nang pumutok ang insidente ng pamamaslang kay Kian Loyd, anak ng isang overseas Filipino worker (OFW), nakitaan ng galit ang sambayanan.

Kasabay ng galit ng mamamayan sa pumaslang kay Kian Loyd, pumutok ang isyu ng P6.4-bilyong shabu smuggling sa Senado, at ang tara system sa Bureau of Customs (BoC) kaladkad ang pangalan ng malalapit sa Pangulo.

Kasunod nito ang kagimbal-gimbal na pagbubunyag ng dating customs commissioner na isang anak ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang sangkot sa cement smuggling.

Pero habang pinag-uusapan ang palitan ng akusasyon nina Faeldon at Lacson, biglang natagpuan ang bangkay ng nawawalang si Carl Angelo, 19, anak din ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa isang morgue sa Caloocan City.

May limang tama ng punglo sa katawan at maraming palatandaan na pinahirapan muna bago tuluyang pinatay.

Sa panahon na nagsisikap ang pamahalaan na resolbahin ang insidente ng pamamaslang kay Carl Angelo, biglang pumutok ang balitang natagpuan ang bangkay ng 14-anyos na si De Guzman sa Nueva Ecija, na kasamang nawawala ni Carl Angelo.

READ: Binatilyong kasama ni Arnaiz natagpuang patay sa Nueva Ecija (May 30 saksak sa katawan)

Kaya’t muli na namang natuon ang isyu sa sinasabing extrajudicial killings sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Habang sa Senado kahapon, ginigiling sa isyu ng P6.4-bilyong shabu ang anak ni Pangulong Digong na si Davao City vice-mayor Polong Duterte.

Are there political monsters at work?!

Ang tanging makasasagot ng tanong na ito ay kung magtatrabaho nang tama at matalino ang pulisya na pinamumunuan ni PNP Chief, Director general Ronald “Bato” dela Rosa o kaya ang National Bureau of Investigation (NBI) na pinamumunuan ni Atty. Dante Gierran.

Mga Sir, ang kapanatagan ng bayan ay nakasalalay po ngayon sa inyong mga kamay.

Dapat ninyong resolbahin bilang law enforcers kung ang pagpatay ba kina Kian Loyd, 17, Carl Angelo, 19, at Reynaldo, 14, ay isang police brutality?!

O ito ay gawa ng mga political monster na planong biyabitin ang administrasyong Duterte gamit ang pagbubuwis ng buhay ng mga kabataang maituturing na pag-asa ng bayan?!

Hindi na ba mga kabataang tokhang kundi mga iskolar at matitinong kabataan ang target ngayon ng mga nagnanais pabagsakin ang Duterte administration?!

Simple logic: kapag pumatay ng tokhang, maramig nagdiriwang na mamamayan; kapag pumatay ng iskolar, bubulwak ang galit ng sambayanan habang nagsasaya ang mga political monster.

This is my take. What about yours?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap
COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
}