Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Bato muling umiyak sa Senate probe
Bato muling umiyak sa Senate probe

Bato muling umiyak sa Senate probe

HINDI napigilan ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang mapaluha makaraan akusahan ang pulisya na inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na patayin ang lahat ng mga adik at mga taong sangkot sa ilegal na droga.

READ MORE:  Drug suspect utas sa pulis Maynila (Sumusuko na binoga pa)

Ayon kay dela Rosa walang kaatotohanan ang akusasyong ito laban sa Pangulo at sa pulisya.

Iginiit ni dela Rosa, kailanman ay hindi siya inutusan o kinausap ni Pangulong Duterte na pumatay ng taong sangkot sa ilegal na droga.

Binigyang-linaw ni dela Rosa, ginagawa ng mga pulis ang kanilang trabaho na hulihin at papanagutin ang sino mang taong lumalabag sa batas, maging sa ilegal na droga man o hindi.

READ MORE:  20 fratmen kinasuhan na sa hazing

Ngunit ani Dela Rosa, hindi siya konsintidor sasino mang pulis na lalabag sa karapatang pantao at aabuso sa kanilang tungkulin.

READ MORE:  Para sa Eid'l Fitr: 500 MPD cops ide-deploy sa Luneta, Golden Mosque

Sinabi ni dela Rosa, hindi rin sila dinidiktahan ng Pangulo ukol sa kanyang trabaho at tungkulin ng mga pulis.

Idinagdag ni Dela Rosa, trabaho ng mga pulis na hulihin ang sino mang lumalabag sa ating batas.

(NIÑO ACLAN)

COMMENTS

About Niño Aclan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved