Monday , June 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Marco Gumabao lumipat ng Viva, pag-angat pa ng career inaasahan
Marco Gumabao lumipat ng Viva, pag-angat pa ng career inaasahan

Marco Gumabao lumipat ng Viva, pag-angat pa ng career inaasahan

VIVA talent na si Marco Gumabao dahil pumirma na siya ng apat na taong kontrata sa Viva Artist Agency kasama ang mga kapatid niyang sina Kat at Mitchelle.

Ayon kay Marco, hindi na siya nag-renew sa Star Magic pagkalipas ng apat na taon niyang pananatili dahil gusto niyang mag-try naman ng ibang management.

Pero bago nag-Star Magic si Marco ay si Direk Bobot Mortiz ang tumutulong sa kanya sa ABS-CBN.

“Hindi naman po kasi nagma-manage si direk Bobot so napunta po ako sa Star Magic at very thankful naman po ako sa kanila sa mga tulong nila sa akin, siguro I wanted to do more.

Welcome to the Viva family, Gumabao siblings! ❤✨ @gumabaomichele @gumabaomarco @katarinuh

A post shared by VAA (@vivaartistsagency) on

“Nag-end contract ako at Star Magic last August 26 hindi na po ako nag-renew pero automatic naman po na ire-renew nila ako.

“Ang difference lang po, sa Star Magic, every year po ang renewal. Dito sa Viva po, straight four years kaya hopefully Viva could help me in my career,” kuwento ng aktor.

Diretsong tanong namin kay Marco kung ano ang dahilan kaya siya umalis sa Star Magic at umamin naman siyang, “alam ko pong hirap akong i-push ng Star Magic kasi marami kami. So, pumunta ako sa isang management na feeling ko makatutulong sa akin,” pag-amin ng binata.

Hoping si Marco na magkaroon siya ng maraming pelikula sa Viva at magkaroon ng network contract at open siya kung saan siya puwede either ABS-CBN or GMA 7.

“Confident naman po ako na magiging okay ang working relationship namin with Viva,” saad pa ni Marco.

MAYMAY PINURI
SI EDWARD, PAGKI-CARE
AT PAGKA-SUPPORTIVE
SA KANYA ‘DI NAWAWALA

ISA si Maymay Entrata sa masuwerteng baguhang artista sa showbiz dahil pagkatapos niyang manalo ay ipinag-prodyus kaagad siya ng album at selling like hotcakes na may titulong Toinks mula sa Star Music.

Bukod dito ay napasama pa siya sa seryeng La Luna Sangre bilang kapatid ni Tristan (Daniel Padilla) sa karakter na Apple.

At ngayon ay heto, may pelikula silang ipalalabas sa Setyembre 13 kasama ang ka-loveteam niyang si Edward Barber at sina Kisses Delavin at Marco Gallo na may titulong Loving in Tandem mula sa Starcinema.

Sobrang nagpapasalamat si Maymay sa lahat ng sumusuporta sa kanya dahil hindi siya iniiwan simula noong manalo siya saPBB Season Lucky 7.

Sa ginanap na presscon ay tinanong si Maymay kung ano ang masasabi niya kay Edward. ”Mas nakilala ko si Edward po. Isa sa mga nagustuhan ko sa kanya ay nag-o-open up na kami sa isa’t isa

“Hindi nawawala sa kanya ang pagka-caring niya po at saka pagka-supportive niya po sa aming dalawa.

“Nagustuhan ko rin po sa kanya, kasi pareho po kaming nahihirapan kasi baguhan kami.

Day 11 of the shooting for Loving in Tandem: ✅

A post shared by Edward Bar (@edward_barber) on

“Talagang parati naming inire-remind sa sarili namin, ‘yung sinasabi nga ni Direk (Giselle Andres) na, hindi porke’t baguhan kami, eh, hindi na namin puwedeng ibigay ‘yung best namin.

“Hangga’t nandiyan ang opportunity, ibibigay lang namin ang best namin. Parating niya sa aking inire-remind ‘yun at saka ako rin sa kanya.Nagustuhan ko rin sa kanya, sinasabayan pa rin niya ang kabaliwan ko,” nanlalaki ang mga matang kuwento ng dalaga.

Samantala, aliw ang trailer ng Loving in Tandem at nagpasalamat ang dalaga na nagustuhan ito at sana mapanood ng lahat sa Sertyembre 13.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved