Friday , August 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 100 pamilya nasunugan sa Mandaluyong
100 pamilya nasunugan sa Mandaluyong

100 pamilya nasunugan sa Mandaluyong

UMABOT sa mahigit 100 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraan masunog ang isang residential area sa Mandaluyong City, kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Mandaluyong City Fire Marshall C/Insp. Ro-berto Samillano, Jr., dakong 1:30 am nang magsimula ang sunog sa Block 37, Brgy. Additionhills ng nabanggit na lungsod.

READ MORE:  Usman napatay habang nanonood ng Pac-May fight?

Napag-alaman, nagsimula ang apoy sa inuupahang bahay ng isang nagngangalang “Joy” na pag-aari ni Jaime Ignacio.

Sa imbestigasyon, ginawang imbakan ng junk materials ang nasabing paupahang bahay. Dahil gawa sa light materials ang kabahayan, mabilis na kumalat ang apoy.

READ MORE:  Delivery truck swak sa bangin 2 todas, 2 sugatan

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at naapula ng mga bombero makalipas ang dalawang oras.

Umabot sa 60 bahay ang natupok ng apoy at tinata-yang aabot sa P200,000 halaga ng mga ari-arian ang naabo, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) ng Mandalu-yong City.

READ MORE:  No Marcos burial sa loob ng 20-araw

Walang naiulat na nasaktan o namatay sa insidente. Ang mga apektado ng sunog ay pansamantalang nanunuluyan sa basketball court sa lugar. (ED MORENO)

COMMENTS

About Ed Moreno

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved