Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Pacquiao, kumambiyo sa Horn rematch ngayong taon
Pacquiao, kumambiyo sa Horn rematch ngayong taon

Pacquiao, kumambiyo sa Horn rematch ngayong taon

HINDI magagawa ni Manny Pacquiao ang kanyang tangkang paghihiganti sa karibal na si Jeff Horn ngayong taon.

Ito ay matapos tumanggi ang Pambansang Kamao sa nakatakdang rematch sa 12 Nobyembre 2017 dahil sa responsibilidad bilang Senador ng Filipinas.

Ayon kay Dean Lonergan na promoter ng Australiano na si Horn, nakatakda ang 8-division world champion na maging bahagi ng delegasyon ng Filipinas sa China, dahilan upang hindi makapaghanda sa naturang laban si Pacquiao.

READ MORE:  PSL lalong magtatagumpay — Laurel

Bagkus, ang rematch ay magaganap umano sa susunod na taon.

READ MORE:  Init ng laro ng Hotshots lumamig

Magugunitang nasilat ng 29-anyos na si Horn ang 38-anyos na si Pacquiao sa Battle of Brisbane sa Suncorp Stadium sa Australia na dinagsa ng mahigit 50,000 katao.

Dahil sa unanimous decision na pagkatalo, naagaw kay Pacquiao ang WBO welterweight title ngunit nakasaad ang mandatory rematch sa kontra bago ang laban.

READ MORE:  SMB handa sa Finals — Austria

Tinitingnang kapalit ni Pacquiao sa laban kontra Horn si Jessie Vargas sa huling bahagi ng taon.

Si Vargas ay ginapi ni Pacquiao sa WBO belt noong nakaraang taon.

(JBU)

COMMENTS

About John Bryan Ulanday

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved