Monday , February 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris, nagpasaklolo kay Willie para magkaroon ng TV show
Kris, nagpasaklolo kay Willie para magkaroon ng TV show

Kris, nagpasaklolo kay Willie para magkaroon ng TV show

MALIWANAG ngayon ang kuwento, si Kris Aquino sa pamamagitan ng kanyang manager ang humingi ng meeting kay Willie Revillame para matulungan siyang makabalik sa telebisyon. Nangako naman si Willie na tutulungan si Kris. Hindi pa maliwanag kung magpo-produce ng show si Willie at magbabayad siya bilang blocktimer para ipalabas iyon ng GMA 7. Alam naman ni Willie ang hirap ng blocktimer, dahil siya nga mismo nahirapan siya sa kanyang show. Buti na lang kinuha iyon ng GMA.

Nauna nang lumapit noon iyang si Kris kay Tony Tuviera ng Tape Inc., para makapasok sa Channel 7, pero nabutata rin iyon kaya nga sa Facebook na lang niya ipinalalabas ang kanyang mga ginawang show. Ang masakit, ni hindi niya ma-claim na siya ngayon ang “queen of social media” dahil mas maraming followers na ‘di hamak sa kanya si Mocha. Ano ang mangyayari sa pakiusap ni Kris kay Willie? Abangan ang susunod na kabanata.

MALING SINIRAAN
NI CHARICE
ANG INANG SI RAQUEL

DITO sa Pilipinas, madalas nating naririnig simula pa lang sa pagkabata ang,”huwag na huwag kang magkakamaling bastusin ang nanay mo.” Sa kaugalian kasi natin, talagang mas binibigyang pansin ang paghihirap ng isang ina, simula sa pagsilang sa kanyang anak hanggang sa pagpapalaki. Minsan ang mga nanay, sila pa rin ang sinisisi kung lumaking wala sa ayos ang kanilang mga anak, pero para sa anak, huwag kang magkakamaling kalabanin ang nanay mo.

Ewan kung masasabing kasalanan din ni Raquel Pempengco kaya lumaking ganoon ang ugali ng kanyang anak na si Charice, na alyas Jake Zyrus na ngayon. Siguro dahil din sa bumilib siya sa kanyang anak, naging sunod-sunuran siya noong una tama man o mali, kaya naging ganyan ang isip ng anak niya. Hindi na niya na-control.

Nilayasan siya nang makisama sa girlfriend na si Alyssa Quijano at nang mahiwalay, sumama naman sa ibang kaibigan.

Ang mas masakit at inalmahan naman ni Raquel ay nang mapanood niya ang isang drama na sinabi ng kanyang anak na si Charice na siya ay sinasaktan ng kanyang ina, bukod pa sa hingi iyon ng hingi sa kanya ng pera. Hindi natin alam kung ano ang totoong nangyayari sa loob ng bahay nila noon, pero sa aming paningin, mali rin naman iyong siniraan ni Charice ang sarili niyang nanay.

Ipagpalagay man nating totoo, sino bang bata ang hindi nakatikim ng palo ng nanay? Kami aminado kaming napapalo noong araw. Natural lang din naman na kung ikaw ang kumikita ng malaki sa pamilya, mahihingan ka rin ng pera. Pero duda kami kung totoo ngang malupit na nanay si Raquel at panay pa ang hingi ng pera.

Pero kasi hanggang nitong huli, na nagpalit pa nga ng pangalan iyang si Charice na ang tawag sa sarili niya ay Jake Zyrus, kinakampihan pa rin siya ni Raquel eh. Kaya palagay din namin, iyon ang isang pagkakamali ng nanay na dahil sa pagmamahal sa anak, tama o mali kinakampihan.

Pero iyang si Charice, ewan kung hanggang saan pa aabot iyan ngayong pati nanay niya sinisiraan na niya.

HATAWAN – Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved